Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang Huling Hapunan

SHARE THE TRUTH

 1,979 total views

Kapanalig, Huwebes Santo ngayon. Ito ay isang oportunidad upang tao ay makapagnilay at magdasal.

Ang Huling Hapunan ay isang “iconic symbol.” Halos lahat ng mga tahanan ng mga Filipinong Katoliko ay may imahe nito. Sa larawang ito, kung iyong susuriin, marami ang ganap at magaganap. Sa gitna ng lahat ay si Hesus—nagbabahagi ng kanyang pagmamahal noong huling gabi na makakasama niya ang kanyang mga disipulo.

Ang pagmamahal sa naturang huling hapunan ay bittersweet, ika nga. Pero ngayon, iba na ang kahulugan ng huling hapunan. Gutom na ang kasingkahulugan nito dahil maraming tao ang laging nangangamba na ang kinain nila ng gabi ay huling hapunan na rin nila. Laging gutom at walang kasiguraduhan. Wala rin silang kasamang Kristo na nagbabahagi ng tinapay at inumin.

Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, mas maraming nagutom sa ating bansa nitong huling quarter ng nakaraang taon. Mga 15.9 percent, katumbas ng mga 3.6 milyong pamilya, ang kulang sa pagkain. May mga 2.8 milyong Filipino din ang nakaranas ng moderate hunger, habang 841,000 ang nakadama ng severe hunger.
Maliban dito, tinatayang isa sa tatlong batang Pilipinong may edad lima pababa ay malnourished. Umaabot ng 26% ng mga bata sa ating bayan ang yapos ng chronic malnutrition.

Hindi tulad ng mga disipulo noong huling hapunan ni Kristo, kulang sa karamay ang mga nagugutom ngayon. Kulang sa tulong ang mga salat ngayon. Ang huling hapunan dito ay kasalungat ng nakikita natin sa Huling Hapunan ni Kristo. Sa atin, ang mga gutom ay nag-iisa sa gitna ng napakaraming tao.

Ngayong Huwebes Santo, inuudyukan tayo ng Simbahan hindi lamang magdasal, kundi maging sagot sa dasal ng marami nating mga kababayang nagugutom sa ating paligid. Tumingala muna tayo mula sa katitig sa ating cellphone, at tingnan kung saan ka maaring maging Kristo sa gitna ng mga anak Niyang mas salat pa sa iyo.

Ngayong kwaresma, kapanalig, kulang ang dasal kung wala naman tayong ginagawa. Ang Gaudium et Spes ay nag-iwan sa atin ng mahalagang tagubilin: “Sa gitna ng paghihirap ng maraming tao, inuudyakan tayo ng Simbahan na makiramay sa kanila. Pakainin natin sila. Kapag hindi natin ito ginawa, kaisa na rin tayo sa mga pumapatay sa kanila. Higit pa dito, tulungan natin sila na tumayo, at tulungan din ang kanilang sarili.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 37,592 total views

 37,592 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 61,377 total views

 61,377 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 73,612 total views

 73,612 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 259,176 total views

 259,176 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 289,045 total views

 289,045 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 27,821 total views

 27,821 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Kaunlarang may katarungan

 37,593 total views

 37,593 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 61,378 total views

 61,378 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 73,613 total views

 73,613 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 259,177 total views

 259,177 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 289,046 total views

 289,046 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Pulitika para sa pamilya?

 258,797 total views

 258,797 total views Mga Kapanalig, pabor ka bang ipagbawal na ang mga political dynasties? Sa survey na ginawa ng Pulse Asia isang linggo bago mag-Pasko, lumabas

Read More »

Mga “big fish” naman

 317,821 total views

 317,821 total views Mga Kapanalig, tinanggihan ng Senado ang kahilingan ng mga isinasangkot sa flood control scandal na pansamantalang makalaya para makapagdiwang ng Pasko kapiling ang

Read More »

Habag para sa lahat

 348,591 total views

 348,591 total views Mga Kapanalig, bago mag-Pasko, pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Regional Trial Court at Court of Appeals na hatulang guilty ang tatlong

Read More »

Project SAFE laban sa OSAEC

 360,570 total views

 360,570 total views Mga Kapanalig, ipinagdiwang ng ating Simbahan kahapon ang Kapistahan ng Niños Inocentes. Araw iyon para gunitain ang pagiging martir ng mga sanggol na

Read More »

Move people, not cars

 396,235 total views

 396,235 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »
Scroll to Top