LGU officials ng Nueva Vizcaya, binalaan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,352 total reads

Iginiit ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga opisyal ng lalawigan ng Nueva Vizcaya na hindi dapat madaliin ang pag-aalis ng barikada laban sa pagmimina sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte.

Ayon kay Bishop Mangalinao, may mahahalagang usapin pa na kailangang malinaw na matukoy, lalo ang pagmamay-ari ng mga lupang maaapektuhan ng proyekto ng Woggle Mining Corporation.

Ang panawagan ng obispo ay kasabay ng kahilingan para sa agarang pagpapatupad ng cease and desist order laban sa nagpapatuloy na mining exploration activities sa lugar kasunod ng pagsisilbi ng korte noong January 13, 2026, ng resolusyon para sa Writ of Preliminary Injunction na nag-uutos sa pagtanggal ng mga barikada patungo sa exploration site.

“Humihingi kami ng cease and desist order para huwag nang ituloy ang pag-aalis sa barikada sapagkat may mga katanungan pa, ang isa ay sino ang magmamay-ari sa mga lupang binabantayan ng mga tao. Kasi kaya malakas ang kanilang loob na isara ang daan dahil sa kanila ang lupa, private property. Sana ma-establish muna kung sino ang may-ari ng private property na nais daanan ng kumpanya,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Binigyang-diin din ni Bishop Mangalinao ang pangangailangang magsagawa muna ng land survey upang matukoy kung sino ang may lehitimong karapatan sa lupa, bilang bahagi ng patas at makatarungang proseso.

Kaugnay nito, hiniling din ng obispo ang mapagkalingang presensiya ng mga opisyal ng lalawigan at bayan, kabilang ang gobernador, bise gobernador, alkalde ng Dupax del Norte, at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Bayan.

Umaasa si Bishop Mangalinao na magiging bukas ang mga namumuno sa lalawigan sa panawagan ng Simbahan at ng mga mamamayan para sa mapayapang resolusyon ng usapin.

Iginiit din ng obispo na ang pakikibaka ng mga residente ay hindi para sa pansariling kapakinabangan kundi para sa karapatan sa lupa at pangangalaga sa kalikasan.

“Maaring ang batas ay legal pero ito ay imoral, hindi tama, hindi maka-Diyos, hindi makabayan, dahil ang ipinagtatanggol ng tao ay ang kanilang karapatan at lupa, wala silang porsiyento, wala silang ipinagbibili, wala silang ganansiya. Kaya sino ang may ganansiya d’yan, sino ang nababayaran d’yan?,” giit ni Bishop Mangalinao.

Noong January 12, 2026, pinangunahan ni Bishop Mangalinao ang isang banal na misa, isang araw bago ipatupad ang Writ of Preliminary Injunction, bilang pagpapahayag ng pakikiisa sa mga apektado ng residente at panawagan sa mapayapa at makataong pamamaraan ng pakikipaglaban.

Batay sa 10-pahinang consolidated resolution ng Regional Trial Court Branch 30, iniutos ang agarang pagtanggal ng mga barikada sa Keon Barangay Road patungo sa exploration area.

Gayunman, nilinaw ng hukuman na hindi nito inaalis ang karapatan ng mga kinauukulang panig na ipaglaban ang kanilang karapatan at magsagawa ng nararapat na hakbang sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 66,294 total reads

 66,294 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 152,792 total reads

 152,792 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 195,827 total reads

 195,827 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 245,587 total reads

 245,587 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 403,586 total reads

 403,586 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,467 total reads

 192,467 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top