Project SAFE laban sa OSAEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370,627 total reads

Mga Kapanalig, ipinagdiwang ng ating Simbahan kahapon ang Kapistahan ng Niños Inocentes. Araw iyon para gunitain ang pagiging martir ng mga sanggol na ipinapatay ni Haring Herodes dahil sa takot na mapaalis siya bilang hari ng mga Hudyo ng isang bagong silang na sanggol sa Bethlehem. Matutunghayan natin ang kuwentong ito sa Mateo 2:1-18.

Sa panahon natin ngayon, maraming kakila-kilabot na krimen pa ring bumibiktima sa ating kabataan. Isinasakripisyo ng mga nakatatanda ang mga bata sa altar ng konsumerismo, kasakiman, at kamunduhan. Kabilang dito ang online sexual abuse and exploitation of children (o OSAEC).

Ngayong buwan, sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD) ang Project SAFE para mailigtas ang kabataan sa OSAEC. Layunin ng proyektong paigtingin ang mga pamamaraan para iwasan ang mga kaso ng online na pananamantala at pang-aabuso sa mga bata. Palalakasin din nito ang proteksyon para sa kabataan at ang pag-alalay sa mga biktima ng OSAEC. Sa ilalim ng Project SAFE, palalakasin ng DSWD ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng tinatawag na trauma informed care para sa mga biktima ng OSAEC at kanilang pamilya. Sinimulan ang proyekto sa Iligan City sa Mindanao. 

Ganito rin ang pangalan ng isang proyekto noon ng DSWD, ang SAFE Project o “Keeping a Sexually Abuse Free Environment for Out-of-School Children and Youth Through Protective Behavior.” Layunin naman nitong pataasin ang kaalaman ng mga pamilya at komunidad tungkol sa pang-aabuso at karahasan sa kabataan para maiwasan ang mga ito. Alam naman nating walang pinipiling lugar ang pang-aabuso sa mga bata—kahit sa mismong bahay nila, pwede silang mabiktima. Sa SAFE Project, ipinaaalam sa mga magulang at miyembro ng komunidad ang mga palatandaang inaabuso ang mga bata gayundin ang mga ahensya at opisinang maaari nilang lapitan para mag-report.

Para makaagapay sa mabilis na pagbabago ng panahon, pinalakas pa ang proyektong ito ng DSWD sa pamamagitan nga ng Project SAFE. Hindi na nga natin mapaghihiwalay ang makabagong teknolohoya sa araw-araw nating pamumuhay. Ginagawa tayong konektado ng internet sa isa’t isa kahit magkakalayo tayo. Marami tayong nalalaman tungkol sa iba’t ibang bagay. Mas mabilis ang pagtanggap natin ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa ating paligid. 

Pero kasabay ng mga pakinabang na ito ang mga panganib na dala ng iresponsableng paggamit ng teknolohiya. May mga bagong uri na rin ng pagsasamantala sa mga bata. Mas lumaganap pa ito sa pamamagitan ng OSAEC, at malaki ang kinalaman dito ng pag-usbong ng social media. Bukod sa nalalantad ang mga bata sa mga bagay na hindi akma sa kanilang edad, sila rin mismo ang ginagamit sa mga ito. Nagkalat ang mga tinatawag na predators sa internet, mga taong pumapasok sa mga online na espasyong madalas puntahan ng mga bata—gaya ng mga social media apps at online games—upang makapambiktima.

Ang pagbabantay sa kapakanan ng mga bata ay hindi na lamang responsabilidad ng pamilya, kundi responsabilidad din ng pamayanan at pamahalaan. Ang laban sa OSAEC ay hindi lamang laban ng mga biktima; ito ay laban nating lahat. Kaya mas dumami pa sana ang mga lungsod na matutulungan ng DSWD sa pamamagitan ng Project SAFE. Sa ganitong paraan, mapangangalagaan natin ang dignidad ng mga bata—dignidad na angkin ng bawat isa sa atin bilang mga nilikhang kawangis ng Diyos.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang pangaral ni Hesus sa Mateo 18:6: “Mas mabuti pa sa isang tao ang siya’y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya’y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito…” Iligtas natin ang mga bata mula sa mga mapagsamantala.

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,507 total reads

 15,507 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 32,920 total reads

 32,920 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,903 total reads

 72,903 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,030 total reads

 107,030 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,436 total reads

 163,436 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 32,921 total reads

 32,921 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,904 total reads

 72,904 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,031 total reads

 107,031 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,437 total reads

 163,437 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top