“The Jubilee is not a memory—it is a seed”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,057 total reads

Ito ang mensahe ni Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ng Diocese of Antipolo noong December 28, kasabay ng Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Hesus, Maria, at Jose, sa banal na misa sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Ayon sa obispo, ang Jubilee ay hindi nagwawakas sa simpleng pag-alala, kundi nagsisilbing binhi na dapat pagyamanin upang magbunga ng kabutihan at mas malalim na pananampalataya sa pamayanan ng mga Kristiyano.

“If we nurture it with prayer, water it with compassion, and guard it with courage, it will grow into a tree whose branches will shelter generations to come,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na bagama’t nagsasara na ang Taon ng Hubileyo, nagbubukas naman ang isang bagong yugto ng misyon, lalo na ang patuloy na pagsasabuhay ng habag at awa na tinanggap ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga biyayang espirituwal ng Simbahan.

“As the doors of the Jubilee close, the doors of mission swing wide open. The mercy we have received must become the mercy we extend,” giit ng obispo.

Iginiit pa ni Bishop Santos na ang habag ay mas makapangyarihan kaysa kasalanan, ang pag-asa ay higit sa kawalan ng pag-asa, at ang pag-ibig ay mananaig maging sa harap ng kamatayan. Paalala rin ng obispo na ang kabanalan ay hindi lamang para sa iilan, kundi paanyaya sa lahat ng binyagang kabahagi sa misyon ni Hesus.

Hamon ng obispo sa mga mananampalataya na isabuhay ang diwa ng Jubilee sa loob ng pamilya, sa mga komunidad, at sa bansa lalo na sa gitna ng mga suliraning panlipunan tulad ng malawakang katiwalian at pagkakahati-hati ng mamamayan.

“Let us carry the Jubilee into our nation, where unity must replace division,” dagdag ni Bishop Santos.

Kinilala at pinasalamatan din ng obispo ang mga parokya, lalo na ang mga itinalagang Jubilee churches, sa mainit na pagtanggap sa mga peregrinong dumalaw at sa kanilang ambag sa pagpapalalim ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileyo.

Sa pagtatapos, nanawagan si Bishop Santos sa mamamayan na manatiling nagkakaisa sa diwa ng pag-ibig at pag-asang hatid ni Kristo, at patuloy na maglakbay bilang iisang Simbahan at sambayanang Kristiyano.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,421 total reads

 16,421 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,272 total reads

 34,272 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,170 total reads

 74,170 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,297 total reads

 108,297 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,703 total reads

 164,703 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top