Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 62,255 total views

Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang dekada, sa gitna ng patuloy na krisis sa kalikasan, kahirapan, at pamamahala sa bansa.

Ito ang naging diwa ng Hayuma: Mending the Broken, isang tatlong araw na church-led conference na ginaganap sa University of Santo Tomas mula January 14 hanggang 16, 2026, na dinaluhan ng mga obispo, pari, madre, at layko mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, Executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) at National Coordinator ng CMSP-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC), ang Hayuma ay isang sandali ng sama-samang pagninilay at pananagutan ng Simbahan.

“Pagkatapos ng sampung taon, kailangang tanungin: ano na ang nagawa natin? Ano pa ang dapat gawin ng taong-simbahan? Ano ang dapat gawin ng Simbahan?” ayon kay Fr. Cortez sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinangunahan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, ang pagtitipon na layong palakasin ang sama-samang pagkilos ng Simbahan at mga katuwang nito sa pagtugon sa magkakaugnay na krisis sa ekolohiya, ekonomiya, at pamamahala.

Binigyang-diin ni Fr. Cortez na ang pagtitipon ay hindi lamang para sa diskurso kundi para sa kongkretong pagtugon sa panawagan ng lipunan.

“Naririto ang CBCP, ang CMSP, ang mga madre, pari, at iba’t ibang organisasyon upang gabayan tayo sa pagninilay, sa pagtingin, at higit sa lahat, sa pagtugon sa panawagan ng ating lipunan,” pagbabahagi ng pari.

Nakaugat ang Hayuma sa paninindigan ng Simbahan sa integral ecology, na pinalakas ng Asilo Conference noong 2015 at ng mga pastoral letter at direktiba ng CBCP na humihikayat ng ecological conversion, makatarungang ekonomiya, at aktibong pakikilahok ng mga komunidad.

Para kay Fr. Cortez, ang lakas ng Simbahan ay nasa kolektibong pagkilos ng mga tao.

“Bilang totoong Simbahan—ang mga tao—may kapangyarihan tayong baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng tuwirang pakikisangkot at pag-aalay ng ating sarili,” saad ni Fr. Cortez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,954 total views

 14,954 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,968 total views

 64,968 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,837 total views

 60,837 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,964 total views

 96,964 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,982 total views

 104,982 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top