Pulitika para sa pamilya?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 293,899 total views

Mga Kapanalig, pabor ka bang ipagbawal na ang mga political dynasties?

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia isang linggo bago mag-Pasko, lumabas na 54% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagbabawal sa mga magkakapamilya sa pulitika. Sa tanong kung sang-ayon sila sa pangungusap na “Dapat magpasá ang Kongreso ng batas na magbabawal sa political dynaties”, 21% ang nagsabing sobrang sang-ayon o “very much agree” sila. Nasa 33% naman ang bahagyang sang-ayon o “somewhat agree.” Samantala, 27% ang hindi makapagbigay ng sagot o “undecided.” Kapag pinagsama naman ang mga bahagyang hindi sang-ayon o “somewhat disagree” at ang mga sobrang hindi sang-ayon o “very much disagree,” binubuo nila ang 18%.

Kung hahatiin ang resulta base sa mga rehiyon, Metro Manila ang may pinakamalaking bahagdan ng mga sang-ayon sa pagsasabatas ng isang anti-political dynasty bill—nasa 69% o halos pito sa sampung taga-Metro Manila. Parehong 59% naman ang bahagdan ng mga sumang-ayon sa Luzon at Visayas. Sa Mindanao, 34% lamang ang mga pabor sa ganitong batas; sa rehiyon ding iyon pinakamalaki ang mga tutol na nasa 27%.

Ano naman ang kinalabasan ng survey batay sa socio-economic classes o antas ng pamumuhay? Para sa mga nasa tinatawag na class C o middle class—silang mga nakagiginhawa sa buhay—43% ang nagsabing sang-ayon silang isabatas ang pagbabawal sa political dynasties. Sa mga nasa lower-middle class—nakagiginhawa at hindi naman mahirap—57% ang pabor. Wala pa sa kalahati—o 47%—sa mga nasa class E o mahihirap ang gustong mawala na ang mga political dynasties sa pamamagitan nga ng isang batas.

Sabi ni Cardinal Ambo David ng Kalookan, positibong katangian nating mga Pilipino ang pagiging malapít sa ating pamilya. Pero may mga pamilyang isinasabuhay ito sa maling paraan. Sa sobrang pagpapahalaga sa kanilang pamilya, kinakasangkapan nila ang pulitika na para bang pamanang ipinapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak at iba pang kapamilya. Ginagawa nilang negosyo ng kanilang angkan ang pulitika. Ginagawa nilang pribadong pagmamay-ari ang pampublikong posisyon. Ginagawa nilang karapatan ang kapangyarihang dapat ginagamit para sa kapakanan ng mga mamamayan. Kapag nangingibabaw ang ganitong mga pamilya, unti-unti ding nasisira ang bayan.

Ito rin kaya ang pananaw ni Pangulong Bongbong Marcos nang atasan niya noong Disyembre ang Kongreso na magpasá ng isang anti-political dynasty bill? Alam naman nating galing siya sa isang angkan ng mga pulitiko, at marami siyang kapamilya at kamag-anak na nasa posisyon, kaya may mga nagtataka kung bakit siya biglang pumabor sa ganitong batas. Paliwanag ng kanyang tagapagsalita, gusto raw ni PBBM na matigil na ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga political dynasties. Sa pamamagitan din daw ng ganitong batas, lalakas ang karapatan ng mga Pilipinong pumili ng kanilang mga lider batay sa kakayahan, hindi sa pangalan.

Talaga ba?

Kontra sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan ang pamamayagpag ng mga political dynasties. Labag ito sa pagiging isang marangal na bokasyon ng pulitika—sa halip na paglingkuran ang taumbayan, pamilya ang nakikinabang sa kapangyarihan. Inaalis ng political dynasties ang patas na pagkakataon para sa tunay na pamumuno sa pamahalaan. Nagiging sanhi rin ang mga political dynasties ng kasakimang sumisira sa mabuting layunin ng pulitika. Tandaan nating umiiral ang pulitika para sa common good—sa kabutihang panlahat—na mahalaga para makamit ng bawat isa sa atin ang ating kaganapan at dignidad bilang mga tao.

Mga Kapanalig, abangan natin kung ngayong 2026 ay magkakaroon na tayo ng isang batas na magbabawal sa political dynasties. Sa ating panalangin para sa mga mambabatas, gamitin natin ang nasasaad sa 1 Mga Hari 3:9: bigyan nawa sila ng “karunungang kailangan sa pamamahala at kakayahang kumilala ng mabuti sa masama.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 18,061 total views

 18,061 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 46,412 total views

 46,412 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 114,142 total views

 114,142 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 137,293 total views

 137,293 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 206,169 total views

 206,169 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ibinasurang paraiso

 18,062 total views

 18,062 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 46,413 total views

 46,413 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 114,143 total views

 114,143 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 137,294 total views

 137,294 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »
Scroll to Top