Isabuhay ang kababaang loob, panawagan ni Cardinal Advincula sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,262 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na isabuhay ang kababaang-loob at tunay na debosyon bilang paghahanda sa Nazareno 2026 at sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa misa sa Quiapo Church, kasabay ng ikalimang araw ng nobenaryo para sa Jesus Nazareno.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi pagpapakita ng sarili kundi pag-aangat kay Kristo sa pamamagitan ng tahimik na paglilingkod at sakripisyo, ayon sa tema ng Nazareno 2026 na “Dapat SIYANG itaas, at AKO nama’y BUMABA,” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan.

“Hindi lamang ito magagandang pananalita, ito ay panawagan sa pagbabagong-loob. Bumaba sa yabang, bumaba sa galit, bumaba sa pag-aakalang tayo ang sentro at sa pagbaba natin, si Kristo ang unti-unting itinataas sa ating buhay,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng cardinal na ang Epipanya ay kapistahan ng pagpapahayag ng Diyos sa sanlibutan, hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan o karangyaan, kundi sa landas ng kababaang-loob na inihayag sa pagsilang ni Hesukristo sa isang payak na sabsaban.

“Ang Diyos ay nagpapakilala sa atin, hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mundo, kundi sa landas ng kababaang-loob,” ani ng arsobispo.

Kaugnay ng nalalapit na kapistahan sa January 9, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang diwa ng Epipanya ay malinaw na nasasalamin sa debosyon sa Poong Jesus Nazareno na isang pananampalatayang nakaugat sa pag-aangat kay Kristo at hindi sa paghahanap ng pagkilala.

Inalala rin ng cardinal ang halimbawa ng mga pantas na dumalaw sa Sanggol na Hesus, mga dayuhan at hentil na naghandog ng ginto, kamanyang, at mira, kung saan ang mga handog ay walang pangalan at walang paghahangad ng papuri.

“Ang sentro ay hindi ang naghahandog, kundi ang Panginoon na hinahandugan,” paliwanag ni Cardinal Advincula.

Ayon sa arsobispo, ang ganitong diwa ng tahimik at tapat na paghahandog ang makikita sa maraming deboto ng Poong Jesus Nazareno, mga ordinaryong mananampalatayang walang titulo o pangalan sa mata ng lipunan ngunit matibay ang pananampalataya.

“Marami sa inyong mga deboto ay walang pangalan sa mata ng lipunan… ngunit ang inyong pananampalataya ay malinaw na malinaw. Ang inyong pag-ibig sa Panginoon ay hindi kailangang ipangalandakan,” dagdag ng arsobispo.

Binigyang-diin pa ni Cardinal Advincula na ang tunay na debosyon ay hindi naghahanap ng papuri o kapalit, taliwas sa kulturang sanay sa pagkilala at paglalagay ng “credit” sa bawat mabuting gawa.

“Ang tunay na debosyon ay marunong magbigay ng hindi kailangang makilala, marunong maglingkod ng hindi naghahanap ng papuri, marunong umibig ng hindi humihingi ng kapalit,” aniya.

Hinikayat ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na hilingin ang biyaya ng kababaang-loob at dalisay na pagmamahal sa pagdiriwang ng Epipanya at sa patuloy na nobena sa Poong Jesus Nazareno, upang sa kanilang pagbaba ay higit na maitaas si Kristo sa kanilang buhay at sa lipunan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,570 total reads

 15,570 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 33,026 total reads

 33,026 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,994 total reads

 72,994 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,121 total reads

 107,121 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,527 total reads

 163,527 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top