Pananaig ng kapayapaan sa Venezuela, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,318 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na dapat manaig ang kapakanan ng mamamayan ng Venezuela sa gitna ng patuloy na krisis na kinakaharap ng bansa.

Ito ang mensahe ng santo papa sa pagsiklab ng kaguluhan sa lugar kasabay ng panawagang wakasan ang karahasan at itaguyod ang katarungan, kapayapaan, at paggalang sa karapatang pantao.

“The good of the beloved Venezuelan people must prevail over every other consideration. This must lead to the overcoming of violence, and to the pursuit of paths of justice and peace,” ayon sa pahayag ni Pope Leo XIV.

Batay sa ilang ulat, sumiklab ang kaguluhan sa Venezuela noong January 3 kasunod ng mga alegasyon ng Amerika laban kay Venezuela President Nicolás Maduro, na iniuugnay sa pamumuno sa isang “narco-terrorist” network, mga paratang na mariing itinanggi ng pamahalaan ng Venezuela.

Sinabi ni Pope Leo na nawa’y mawakasan ang karahasang nangyayari sa Venezuela at piliing hanapin ang landas ng katarungan at kapayapaan na nakaugat sa paggalang sa soberanya ng bansa at sa umiiral na batas at Konstitusyon sa lugar.

“Guaranteeing the sovereignty of the country, ensuring the rule of law enshrined in its Constitution, [and] respecting the human and civil rights of each and every person,” ayon pa sa santo papa.

Dalangin ni Pope Leo ang katiwasayan sa bansa at manumbalik ang pagbubuklod tungo sa kapayapaan at pag-unlad lalo na sa mga dukha na lubhang naapektuhan sa kasalukuyang kaguluhan sa lugar. Ipinagkatiwala ng santo papa sa pamamatnubay ng Our

Lady of Coromotoat mga panalangin nina Saints José Gregorio Hernández at Carmen Rendiles ang kalagayan ng Venezuela.

Samantala, napaabot din ni Pope Leo XIV ang kanyang pakikiramay at panalangin sa mga biktima ng trahedya sa Crans-Montana, Switzerland, na ikinasawi ng 40 katao na karamihan ay mga kabataan.

“I assure them of my prayers for the young people who died, for the injured, and for their families,” ayon sa santo papa.
Muling nanawagan ang Santo Papa sa buong mundo na patuloy na manalangin at magpakita ng pakikiisa sa mga mamamayang dumaranas ng digmaan, karahasan, at iba’t ibang anyo ng pagdurusa, bilang patunay ng pananampalataya sa Diyos ng kapayapaan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,565 total reads

 15,565 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 33,021 total reads

 33,021 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,989 total reads

 72,989 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,116 total reads

 107,116 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,522 total reads

 163,522 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top