Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang Huling Hapunan

SHARE THE TRUTH

 2,006 total views

Kapanalig, Huwebes Santo ngayon. Ito ay isang oportunidad upang tao ay makapagnilay at magdasal.

Ang Huling Hapunan ay isang “iconic symbol.” Halos lahat ng mga tahanan ng mga Filipinong Katoliko ay may imahe nito. Sa larawang ito, kung iyong susuriin, marami ang ganap at magaganap. Sa gitna ng lahat ay si Hesus—nagbabahagi ng kanyang pagmamahal noong huling gabi na makakasama niya ang kanyang mga disipulo.

Ang pagmamahal sa naturang huling hapunan ay bittersweet, ika nga. Pero ngayon, iba na ang kahulugan ng huling hapunan. Gutom na ang kasingkahulugan nito dahil maraming tao ang laging nangangamba na ang kinain nila ng gabi ay huling hapunan na rin nila. Laging gutom at walang kasiguraduhan. Wala rin silang kasamang Kristo na nagbabahagi ng tinapay at inumin.

Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, mas maraming nagutom sa ating bansa nitong huling quarter ng nakaraang taon. Mga 15.9 percent, katumbas ng mga 3.6 milyong pamilya, ang kulang sa pagkain. May mga 2.8 milyong Filipino din ang nakaranas ng moderate hunger, habang 841,000 ang nakadama ng severe hunger.
Maliban dito, tinatayang isa sa tatlong batang Pilipinong may edad lima pababa ay malnourished. Umaabot ng 26% ng mga bata sa ating bayan ang yapos ng chronic malnutrition.

Hindi tulad ng mga disipulo noong huling hapunan ni Kristo, kulang sa karamay ang mga nagugutom ngayon. Kulang sa tulong ang mga salat ngayon. Ang huling hapunan dito ay kasalungat ng nakikita natin sa Huling Hapunan ni Kristo. Sa atin, ang mga gutom ay nag-iisa sa gitna ng napakaraming tao.

Ngayong Huwebes Santo, inuudyukan tayo ng Simbahan hindi lamang magdasal, kundi maging sagot sa dasal ng marami nating mga kababayang nagugutom sa ating paligid. Tumingala muna tayo mula sa katitig sa ating cellphone, at tingnan kung saan ka maaring maging Kristo sa gitna ng mga anak Niyang mas salat pa sa iyo.

Ngayong kwaresma, kapanalig, kulang ang dasal kung wala naman tayong ginagawa. Ang Gaudium et Spes ay nag-iwan sa atin ng mahalagang tagubilin: “Sa gitna ng paghihirap ng maraming tao, inuudyakan tayo ng Simbahan na makiramay sa kanila. Pakainin natin sila. Kapag hindi natin ito ginawa, kaisa na rin tayo sa mga pumapatay sa kanila. Higit pa dito, tulungan natin sila na tumayo, at tulungan din ang kanilang sarili.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 73,493 total views

 73,493 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 91,842 total views

 91,842 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 110,126 total views

 110,126 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 264,885 total views

 264,885 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 309,332 total views

 309,332 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Nasasayang na oras

 73,494 total views

 73,494 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 91,843 total views

 91,843 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 110,127 total views

 110,127 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 264,886 total views

 264,886 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 309,333 total views

 309,333 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 276,828 total views

 276,828 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 276,529 total views

 276,529 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 282,304 total views

 282,304 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 277,838 total views

 277,838 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 384,452 total views

 384,452 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »
Scroll to Top