Ang Pag-gamit ng Plastic at ang Ating Throwaway Culture

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 466 total reads

May isang pag-aaral na lumabas kailan lamang kapanalig, na nagsasabi na 19 sa ating mga ilog ay ilan sa mga daluyang tubig sa buong mundo na nagdadala ang mga plastic sa ating mga karagatan. Kasama sa mga ilog na ito ay Pasig, Tullahan, Meycauayan, Pampanga, at Libmanan.

Ang ilog, kapanalig, ay dapat daluyan ng buhay. Ang nangyayari sa ating mga ilog ngayon, pati na rin sa mga ilog sa iba pang bansa, ay nagiging himlayan na ng basura, mga basurang pumapatay sa mga isda at iba pang hayop at halaman sa mga ilog at dagat. Kada taon, 356,000 tonelada ang basurang karga at dala ng ating mga lokal na ilog sa mga karagatan.

Kalaunan, ang basurang ito ay lalason din ng ating buhay.

Ang basura sa ating kapaligiran ay mas lalong dumami ngayong pandemya. Naparami kasi ang online deliveries natin, kapanalig, at kadalasan, ang mga take out na pagkain natin ay gumagamit ay mga single-use plastics. Pati ang ating mga face-shields at face masks, dumagdag sa mga basurang sumasakal sa ating kapaligiran.

Ang mga single-use plastics ay gawa sa mga fossil fuel-based na materyal, at pagkatapos ng isang gamit, tapon na agad. Naiipon ng naiipon lamang sila kung saan-saan at nadaragdagan ng nadaragdagan. Kung akala natin na napahinga natin ang mundo dahil mas marami tayong nasa bahay, nagkakamali tayo. Mas dumami pa ang basura natin.

Kapanalig, isa man tayo sa malaking kontributor ng mga plastic wastes sa karagatan, ang aksyon laban dito ay hindi lamang dapat lokal. Ibig sabihin nito, national-level policy rin ang kailangan upang maisa-ayos natin ang waste management, at global-level action din ang kailangan upang magkaroon ng global na pamantayan at gabay upang mabawasan na at tuluyang matigil ang pag-gamit ng single-use plastics sa buong mundo.

Kapanalig, ang pagdami ng basura, lalo na ng mga single-use plastics ay hindi lamang isyung pang-kalikasan. Kung tutuusin, ito ay isyung personal at moral din. Nasasanay na tayo sa pag-gamit ng mga plastics at iba pang bagay na maaring makasama sa kapaligiran. Ni hindi natin iniiisip kung may mga masamang kahihinatnan ang mga ito. Tapon dito, tapon doon, o ayon nga sa Laudato Si – ang ating throwaway culture. Kapanalig, baka maumpisahan natin ngayon ang pagbabago, hindi man sa ating komunidad, bayan, o sa buong mundo, kundi sa ating sarili. Suriin natin, at pagnilayan kung paano natin mawawaksi ang “throwaway culture.” Simulan natin sa ating mga sarili.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,969 total reads

 85,969 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 180,008 total reads

 180,008 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 224,276 total reads

 224,276 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 247,385 total reads

 247,385 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,654 total reads

 318,654 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 85,970 total reads

 85,970 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 180,009 total reads

 180,009 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 224,277 total reads

 224,277 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 247,386 total reads

 247,386 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top