VeritasPH

The Word, The Truth

Ang pagpaslang sa mga pastol

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Mga Kapanalig, ikinalulungkot at ikinababahala ng ating Simbahan ang pagpaslang na naman sa isang pari noong isang linggo. Pinatay si Fr. Richmond Nilo ng Diyosesis ng Cabanatuan habang naghahanda para sa Banal na Misa sa isang kapilya sa Zaragoza, Nueva Ecijia. Siya ang ikatlong paring pinatay sa loob lamang ng anim na buwan. Unang pinatay si Fr. Marcelito Paez sa Jaen, Nueva Ecija noong Disyembre at si Fr. Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan noong Abril. Maliban sa tatlong pinatay na pari, pinagtangkaan ding patayin si Fr. Rey Urmenta sa Laguna dalawang linggo na ang nakararaan. Sa kabutihang palad, naisugod siya agad sa ospital at nakaligtas. Noong Biyernes, isa sa mga suspect sa pagpatay kay Fr. Richmond ay nahuli na; samanatla, patuloy namang mailap ang hustisya para kina Fr. Tito at Fr. Mark.
Sa pagtindi ng kultura ng karahasan at impunity sa ating bansa, nakababahalang maging ang mga pastol ng ating Simbahan ay nagiging target na rin. Itinalaga pa naman ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang taóng ito bilang “Year of the Clergy and Consecrated Persons”. Ito ang ikaanim na taon mula nang umpisahan ng ating Simbahan ang paghahanda para sa pagdiriwang ng ikalimandaang taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating bansa. Sa taóng ito, hangad natin sa ating mga dasal at gawain sa Simbahan na maging mga “renewed servant–leaders for the new Evangelization” ang mga pari at ang mga nasa buhay-relihiyoso upang tunay silang maging mga tagapaghatid ng Mabuting Balita.

Ito ang hamong niyakap ng mga pinaslang na pari. Hindi po sila perpekto. Sila’y nagkakasala rin at may mga pagkukulang bilang tao at ating mga pastol, ngunit hindi po mabubura ng anumang matrix o pang-iintriga ang kanilang masigasig na pagsasabuhay ng Mabuting Balita. Si Fr. Tito ay kilaláng tagapagtanggol ng mga karapatan ng mga magsasaka, maralitang tagalungsod, at maging ng mga political prisoners. Si Fr. Mark naman ay aktibong lumaban sa pagmimina at naging kaagapay ng mga organisadong katutubo sa Cagayan. Samantalang, si Fr. Richmond ay tumutulong sa mga naaagrabyado dahil sa alitan sa lupa at sa mga kabataang biktima ng pang-aabuso. Dahil sa karahasan, nawalan ang mga grupong kasama nila sa mga adbokasiyang ito ng matapat na kakampi.

Mga Kapanalig, katulad ng pagpapahirap hanggang sa pagpapapako kay Kristo, kawalan ng katarungan din ang pagpatay sa kanyang mga tinaguriang “kinatawan.” Hindi kailanman magiging tama ang pagpatay—pari man, kriminal, o adik. Patuloy na ihahayag ng Simbahan: sagrado ang buhay at walang sinuman ang maaring magtakda ng kamatayan ng kanyang kapwa.

Patuloy din nating hinihikayat ang mga punong-lingkod ng ating Simbahan, kasabay ng pagtatalaga ng taóng ito para sa atin. Huwag tayong matakot na maging instrumento ng Diyos sa pagbibigay liwanag sa ating lipunang nababalot ng dilim. Sa pagpapahayag natin ng Mabuting Balita at paninindigan para sa kung ano ang tama, totoo, at makatarungan, nagagampanan ng Simbahan ang tungkuling ipahayag ang kalayaan at kaligtasang kaloob ni Kristo nang inialay niya ang Kanyang buhay. Hindi madali ang pagpapahayag ng Mabuting balita dahil kaakibat nito ang pagtatanim sa puso ng mga tao ng kahulugan at kalayaang matatagpuan sa Ebanghelyo, nang sa gayo’y maitaguyod natin ang isang lipunang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Samakatuwid, gawain ng Simbahang bumuo ng lipunang makatao, kahit pa buhay ang maging kapalit nito.

Mga Kapanalig, ang mabigat na tungkuling ito ay hindi lang nakaatang sa inyong mga pastol; kabahagi ang lahat sa misyong ito. Sa panahong tila pinipilay ang ating mga pastol, tumindig tayo sa kanilang mga tabi. Manawagan tayo para sa katarungan. Ipagpatuloy natin ang laban nina Fr Richmond, Fr. Tito, at Fr. Mark, at sa paraang ito, tayo ay magiging isang Simbahang tunay na isinasabuhay ang Mabuting Balita.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 16,485 total views

 16,485 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,530 total views

 24,530 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,610 total views

 29,610 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,316 total views

 35,316 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,104 total views

 44,104 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 16,486 total views

 16,486 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 24,531 total views

 24,531 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,611 total views

 29,611 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,317 total views

 35,317 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,105 total views

 44,105 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,030 total views

 41,030 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,344 total views

 55,344 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,034 total views

 59,034 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,637 total views

 57,637 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,624 total views

 67,624 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,592 total views

 71,592 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,479 total views

 82,479 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,918 total views

 94,918 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,676 total views

 105,676 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,929 total views

 52,929 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top