Anong kinabukasan ang naghihintay sa atin?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 85,009 total views

Mga Kapanalig, mapapabuntong-hininga na lang tayo sa latest na resulta ng Program for International Student Assessment (o PISA). (Natalakay na natin ito sa isang editoryal noong isang linggo, ngunit mainam na pag-usapan ulit.)

Sa 81 bansang kasama sa assessment na isinagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (o OECD), pang-77 ang Pilipinas kung pag-uusapan ang performance sa math, reading, at science ng mga mag-aaral nating 15 taong gulang. Kulelat tayo, ‘ika nga.

Malayo ang score ng Pilipinas sa global average. Sa math, ang score ng mga estudyante natin ay 355 points habang ang global average ay 472 points. Sa reading literacy, nakakuha ang Pilipinas ng score na 347 points, malayo rin sa global average na 476 points. Sa science, pangatlo tayo sa huli sa listahan ng mga bansa; 356 points ang nakuha ng mga mag-aaral natin kumpara sa global average na 485 points.

Ayon sa ating Department of Education (o DepEd), ipinakikita ng naging performance ng Pilipinas sa PISA na ang learning competencies o kakayahang matututo ng ating mga mag-aaral ay atrasado ng lima hanggang anim na taon. Ang bawat 20-point deficit o 20 puntos na diprensya ng score mula sa average na score ay katumbas ng isang taóng kabagalan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na edad 15. Isa itong “uncomfortable truth,” pag-amin ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte. Pero, dagdag ng DepEd, dapat din daw tingnan ang ibang dahilan ng mababang scores natin sa PISA. Inaasahan naman daw nilang sa mga susunod na assessment ay makakikita tayo ng improvement sa PISA. Sana nga. 

Nakababahala ang mababang proficiency o ang kahusayan ng mga estudyanteng Pilipino sa mga subjects na mahalaga sa pagiging produktibong kasapi ng kabataan sa modernong lipunan. Importanteng marunong tayo sa mathematics para maayos nating masuri ang impormasyon at makabuo ng mga lohikal na solusyon sa iba’t ibang suliranin. Mahalaga rin ang pagiging maalam sa science dahil tinutulungan tayo nitong maging mausisa at mapagtanong tungkol sa ating paligid. Ang reading naman—at kasama rito ang pag-intindi sa ating binabasa—ay mahalaga para sa malinaw na komunikasyon at matiyak na hindi tayo nabubulag ng kasinungalingan. Layunin ng edukasyong linangin ang mga kabataan sa mga larangang ito, hindi para memoryahin ang mga bagay-bagay kundi upang matuto silang mag-isip nang kritikal. 

Katulad ng lagi nating naririnig na sinabi ni Gat Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero paano na ang ating kinabukasan kung nangungulelat sila sa math, science, at reading? Anong kinabukasan ang naghihintay sa atin?

Huwag nating asahan sa kabataan natin ngayon ang sagot sa mga tanong na ito. Tayong mga nakatatanda ang dapat na mag-isip-isip kung saan nga ba natin dinala ang ating mga mag-aaral. Marami nang pagbabago sa curriculum ng mga estudyante, ngunit marami pang kailangang pagbutihin. Iba’t iba na rin ang mga hamon sa mga mag-aaral, dala ng kulturang ating pinalalaganap at kanilang nadatnan. May kinalaman din dito ang paraan ng pagpapalaki sa ating kabataan ngayon. Maraming pagkukulang ang gobyerno, ang mga institusyon (kabilang ang Simbahan), at ang mga pamilya.

Gaya ng minsang sinabi ni Pope Francis, pundasyon ang edukasyon sa ating pagiging “dignified agents of their own destiny”—mga taong may dangal sa kanilang sariling kapalaran. Kung salat sila sa edukasyong de-kalidad at tutulong sa kanilang lumago sa hinarahap, hindi napahahalagahan ang dignidad na ito.

Kaya mga Kapanalig, gawin natin ang lahat—simula sa ating sariling tahanan—upang magkaroon ang ating kabataan ng edukasyong magmumulat at magpapalago sa kanila. Paalala nga sa Mga Kawikaan 16:16, “Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 5,959 total views

 5,959 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 29,111 total views

 29,111 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 99,223 total views

 99,223 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 173,837 total views

 173,837 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 253,552 total views

 253,552 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 5,960 total views

 5,960 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 29,112 total views

 29,112 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 99,224 total views

 99,224 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 173,838 total views

 173,838 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top