Anti-Terrorism Act of 2020, hindi napapanahong isabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

June 16, 2020, 2:40PM

Binigyang diin ng pinuno ng Military Diocese na dapat pansamantalang isantabi ang usapin ng Anti Terrorism Bill sapagkat hindi ito ang wastong panahon upang isabatas ito.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagtugon sa kahirapang nararanasan ng mga Filipino na dulot COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Obispo na hinahanap ng tao ngayon ang pagkain, katiyakan sa kabuhayan gayundin ang lunas sa nakamamatay na COVID 19.

“As to the Anti-terror Bill: All I need to say is that in this time of pandemic where people are groping for food and sustainability and cure, I guess to my simple analysis is offbeat,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Matatandaang nilagdaan na ng kongreso ang anti terrorism act at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte o kanya itong i-veto.

Umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa iba’t-ibang grupo ang panukala dahil sa mga probisyon na hindi malinaw ang pagkakalahad at maituturing na malaking banta sa kaligtasan at karapatan ng mamamayan.

Iginiit naman ni Bishop Florencio na i-veto ng pangulo ang panukala at muling talakayin kung may lunas na ang COVID 19.

“If I were to suggest let us set this aside first and focus on the present pressing challenge the pandemic. And where there is a solution or cure already we come to discuss lengthily on the anti-terror bill,” dagdag pa ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,695 total reads

 4,695 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 42,075 total reads

 42,075 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,346 total reads

 73,346 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,590 total reads

 150,590 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,569 total reads

 244,569 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top