Arancel sa binyag, pamisa at kumpil, tuluyan ng inalis ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total views

Wala nang babayarang fixed-rate o arancel ang mga mananampalataya sa pagtanggap ng mga sakramento sa mga parokya sa mga simbahan ng Maynila.

Ito ay bilang tugon sa inilabas na pastoral letter ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na sinusugan din ng pastoral decree.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo-Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ang pagtatanggal ng fixed-rate ay ipapatupad sa April 14 kasabay na rin ng paggunita ng Pilipinas sa kauna-unahang binyag na ginanap sa Cebu noong 1521.

“Napagkasunduan po ng CBCP na tanggalin na rin. Nagkaroon po ng pastoral letter ang CBCP nung nakaraang taon at dito sa Metro Manila nung 2017 nagkaroon din ng sulat ang mga Obispo na iyan ay dahan-dahang tanggalin. Ang problema lang dahil sa walang time frame,”ayon kay Bishop Pabillo.



Kabilang sa mga tinanggal ang arancel sa binyag, kumpil at pagpapamisa.

“Kaya gumawa na tayo ng pastoral decree na gawin natin sa April 14 na wala ng arancel sa binyag, kumpil at ganoon din po sa pagpapamisa,” ayon kay Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Archdiocese of Manila ay binubuo ng 86 na parokya na may higit
sa tatlong milyong mananampalataya.

“yung sa kasal dahan-dahang tatanggalin na rin yan kasi masalimoot marami pang binabayaran na hindi naman bahagi ng kasal talaga, tulad ng bulaklak, kumakanta sa kasal kaya’t marami pang gagawin nap ag-uusap diyan,” dagdag pa ng obispo.

Bukod sa Maynila, ipinapatupad na rin ang pagtatanggal ng arancel system sa Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, Diocese ng Balanga at iba pang mga diyosesis sa buong bansa.

Hinihikayat naman ng CBCP ang mga mananampalataya na magbigay ng donasyon sa abot ng kanilang makakaya bilang tulong sa mga gastusin sa parokya at suweldo ng mga kawani ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 113,134 total views

 113,134 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 143,356 total views

 143,356 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 170,004 total views

 170,004 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 264,978 total views

 264,977 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 278,687 total views

 278,687 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top