Arancel System, inalis na ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 935 total reads

Pormal nang ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagtanggal sa arancel system sa mga simbahan.

Batay sa inilabas na decree ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, simula sa Abril 14, 2021 ay wala nang ipapataw na fixed rates sa mga sakramento ng simbahan tulad ng binyag at kumpil.

“In view of the foregoing, we hereby decree that beginning April 14, 2021, there will be no longer be any fixed rates for the celebrations of the sacraments of baptism and confirmation and for the offering of Mass intentions in the churches in the Archdiocese of Manila,” bahagi ng pahayag ng arkidiyosesis.

Matatandaang 2017 nang maglabas ng pastoral letter ang Ecclesiastical Province of Manila hinggil sa ‘stewardship’ at ang pagtanggal ng arancel syste, batay na rin sa Second Plenary Council of the Philippines.
Muli rin itong pinagtibay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang kaloob ng simbahan sa mananampalataya sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity.

Sa kabila nito hinimok ng simbahan ang mananampalataya na magbigay ng abot ng kanilang makakaya upang matulungan ang pagpapatakbo ng simbahan at mga kawani nito.

“Donations, however, from the faithful for the support of their church are encouraged,” dagdag pa ng arkidiyosesis.
Patuloy naman ang paghahanda ng arkdiyosesis sa ‘stewardship program’ at sa tuluyang pagbuwag ng arancel system upang mabigyang daan ang mananampalataya sa pagtanggap ng mga sakramento.

Ilang mga diyosesis na rin sa bansa ang nagtanggal ng arancel system tulad ng Diyosesis ng Balanga at mga diyosesis sa Visayas at Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 47,624 total reads

 47,624 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 144,564 total reads

 144,564 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 188,833 total reads

 188,833 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 211,942 total reads

 211,942 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 285,019 total reads

 285,019 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top