Archbishop Palma, nagpapasalamat sa pagbubuklod ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,958 total views

Ikinalugod ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagbubuklod ng mga pari ng Pilipinas sa isinagawang National Retreat for Priests.

Ayon sa arsosbispo, mahalag ang pagtitipon lalo’t tinatalakay dito ang temang ‘Priesthood: A Call to holiness’ kung saan isang pagkakataon upang mapagnilayan ng bawat pastol ng simbahan ang mga bokasyong tinanggap para sa mas malawak na pagmimisyon.

“We gather as one united by baptism, we are gathered as one being ordained and we are one in our purpose in searching for holiness… We are reminded to go to the basics of the priesthood…to focus on who we are, the nature of the priesthood, we are priest of Jesus, we are priest of God,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Palma.

Batid ni Archbishop Palma na may mga lingkod ng simbahang nalilimutang isabuhay ang tunay na diwa ng pagiging pari ni Kristo kaya’t ito ang pagkakataong balikan at pagnilayan ang sarili kung nagagampanan ang tungkuling pagpapastol sa kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Iginiit ng arsobispo na bawat pari ay pawang hindi karapatdapat sa misyong iniaatang subalit ito ay pinili ng Panginoong pagkalooban ng natatanging biyaya ng bokasyon ng pagpapari.

“Because it is a gift it is precisely ours to share and I think we rule out any entitlement, we are not entitled to anything, everything is grace from the Lord,” saad ni Archbishop Palma.

Kinilala ni Archbishop Palma ang mga pagbabahagi nina missionary nun Sr. Briege Mckenna, OSC at Fr. Pablo Escriva de Romani bilang retreat masters na tinatalakay ang tema ng pagtitipon tungo sa pagkakasundo, paghihilom at pagsasariwa ng mga pari.

Mahigit sa 2, 000 mga pari mula sa 58 arkidiyosesis at diyosesis sa bansa ang dumalo sa NRP 2023 na nagsimula noong November 7 hanggang 9 kung saan nangunguna ang Archdiocese of Cebu sa pinakamaraming delegado sa halos 400 mga pari.

Ginanap ang retreat ng pari sa IEC Convention Center sa Cebu City na inisyatibo ng CBCP Episcopal Commission on Clergy na pinangangasiwaan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo katuwang ang Archdiocese of Cebu, CHARIS Philippines at Marian Solidarity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 9,141 total views

 9,141 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 37,146 total views

 37,146 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,946 total views

 54,946 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 54,554 total views

 54,554 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 166,504 total views

 166,504 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 6,991 total views

 6,991 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top