SLP, nakikiisa sa kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,054 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa paggunita ng Arkidiyosesis ng Palo sa Kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo kaalinsabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.

Ayon kay outgoing LAIKO National President Bro. Raymond Daniel Cruz Jr., ang kapistahan ng Nuestra Señora de la Esperanza de Palo ay isang paalala sa bawat isa na patuloy na panghawakan ang pag-asang hatid ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ipinaliwanag ni Cruz na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman sa kabila ng anumang hamong kaharapin sa buhay.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas joins the Archdiocese of Palo in the celebration of the Feast of Our Lady of Hope of Palo and in reminding all of us to remain in hope and in the sure and certain faith that God is always near and is among us.” Ang bahagi ng pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Nagpaabot din ng paghanga si Cruz sa mga mananampalataya at sa Arkidiyosesis ng Palo na pinangangasiwaan ni Palo Archbishop John Du na sama-samang ipinamalas ang katatagan ng pananampalataya, lakas ng loob at tiwala sa Panginoon sa loob ng nakalipas na isang dekada mula ng naganap ang trahedya.

“With faith and thanksgiving, we commend the Archdiocese of Palo, His Excellency Archbishop John Du, and the people of God for the example of a decade of resilience, grit and hope. Our Lady of Hope, be with us.”pagbabahagi ni Cruz

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Super Typhoon Yolanda ang kauna-unahang Super Typhoon category na naitala at itinuturing na pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa na tumama sa Eastern Visayas noong ika-8 ng Nobyembre taong 2013 kung saan mahigit sa 6,000 ang naitalang nasawi.

Ito rin ang dahilan ng personal na pagbisita sa Pilipinas ang Kanyang Kabanalan Francisco noong Enero ng taong 2015 upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag, awa at pagmamahal ng Panginoon matapos ang naganap na sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 26,799 total reads

 26,799 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 49,570 total reads

 49,570 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 86,070 total reads

 86,070 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 306,695 total reads

 306,695 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 339,780 total reads

 339,780 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top