Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archbishop Palma, nagpapasalamat sa pagbubuklod ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,038 total views

Ikinalugod ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagbubuklod ng mga pari ng Pilipinas sa isinagawang National Retreat for Priests.

Ayon sa arsosbispo, mahalag ang pagtitipon lalo’t tinatalakay dito ang temang ‘Priesthood: A Call to holiness’ kung saan isang pagkakataon upang mapagnilayan ng bawat pastol ng simbahan ang mga bokasyong tinanggap para sa mas malawak na pagmimisyon.

“We gather as one united by baptism, we are gathered as one being ordained and we are one in our purpose in searching for holiness… We are reminded to go to the basics of the priesthood…to focus on who we are, the nature of the priesthood, we are priest of Jesus, we are priest of God,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Palma.

Batid ni Archbishop Palma na may mga lingkod ng simbahang nalilimutang isabuhay ang tunay na diwa ng pagiging pari ni Kristo kaya’t ito ang pagkakataong balikan at pagnilayan ang sarili kung nagagampanan ang tungkuling pagpapastol sa kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Iginiit ng arsobispo na bawat pari ay pawang hindi karapatdapat sa misyong iniaatang subalit ito ay pinili ng Panginoong pagkalooban ng natatanging biyaya ng bokasyon ng pagpapari.

“Because it is a gift it is precisely ours to share and I think we rule out any entitlement, we are not entitled to anything, everything is grace from the Lord,” saad ni Archbishop Palma.

Kinilala ni Archbishop Palma ang mga pagbabahagi nina missionary nun Sr. Briege Mckenna, OSC at Fr. Pablo Escriva de Romani bilang retreat masters na tinatalakay ang tema ng pagtitipon tungo sa pagkakasundo, paghihilom at pagsasariwa ng mga pari.

Mahigit sa 2, 000 mga pari mula sa 58 arkidiyosesis at diyosesis sa bansa ang dumalo sa NRP 2023 na nagsimula noong November 7 hanggang 9 kung saan nangunguna ang Archdiocese of Cebu sa pinakamaraming delegado sa halos 400 mga pari.

Ginanap ang retreat ng pari sa IEC Convention Center sa Cebu City na inisyatibo ng CBCP Episcopal Commission on Clergy na pinangangasiwaan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo katuwang ang Archdiocese of Cebu, CHARIS Philippines at Marian Solidarity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 65,027 total views

 65,027 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 87,092 total views

 87,092 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 102,788 total views

 102,788 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 109,599 total views

 109,599 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 169,032 total views

 169,032 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top