Archbishop Villegas sa bagong talagang obispo; Gamitin ang kapangyarihan ng Diyos sa pag-ibig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Gamitin ang iniatang na kapangyarihan sa pagmamahal sa buhay tulad ng idinisenyo ng Panginoon.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kaniyang pagninilay sa ordinasyon ni Bishop Fidelis Layog-ang bagong auxiliary bishop ng arkidiyosesis na ginanap sa St. John the Evangelist Cathedral sa Pangasinan.

Ayon sa Arsobispo, walang sinuman ang naging handa sa pagtawag o paghirang ng Diyos lalo na sa pagiging isang Obispo, gayunman, kinakailangang sa kabila nito ay patuloy na tumugon ang mga mananampalataya sa tungkuling iniaatas ng Panginoon.

Dagdag pa ni Archbishop Villegas, ang pagiging Obispo ay pagtanggap sa kapangyarihan, subalit kinakailangang alalahanin ng isang pastol na siya ay tagapagpadaloy lamang ng kapangyarihan ng Panginoon dahil ito ay kinakailangang madama ng mga tao sa pag-ibig.

“None of those powers can be used for yourself. All the powers to be given to you, to bind and to unbind, to teach and to clarify, to administer and to manage, all these power given to you are not for you. The Episcopacy is not for enjoyment, use your powers only with love, for love,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.

Sa huli, ipinaalala ng arsobispo na kinakailangang ang isang pastol ng Panginoon ay handang mag-alay ng buhay.

Sinabi nito na normal lamang makaramdam ng takot subalit sa kabila nito ay patuloy na tinatanggap ng mga pari at Obispo ang anu mang uri ng kamatayan sa araw-araw na karanasan ng tao, dahil ito ay ang pagtanggap at pakikibahagi sa pagpapakasakit ng Diyos.

“You must be ready to die. Not the death that the doctors declare, but the participation in the dying of the Lord day by day, and remember His passion, His death and resurrection in every Eucharist.

You are afraid it is understandable, but accept it not for glory, not for vanity but as penance for your sins and the sins of the church and the sins of humanity. Be ready to die and take courage, be ready to give up generously, be ready to be a superman a super priest, but use every power only for love never for yourself,” pahayag ng Arsobispo.

Si Bishop Fidelis Layog ay inanunsyo ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang bagong auxiliary bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan noong ika-18 ng Marso.

Siya ang ikatlong Obispo na nagmula sa lalawigan ng Pangasinan, at ikalima naman sa lahat ng bagong Obispong Pilipino na hinirang ni Pope Francis ngayong 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 13,203 total reads

 13,203 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 99,594 total reads

 99,594 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 136,967 total reads

 136,967 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 168,227 total reads

 168,227 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 240,426 total reads

 240,426 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,084 total reads

 377,084 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top