Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archbishop Villegas sa mamamayan, isang karangalan ang manindigan laban sa divorce

SHARE THE TRUTH

 20,643 total views

Hinikayat ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mamamayan na tiyakin ang mabuting pagpapasya at pagninilay bago makipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng pag-iisang dibdib o kasal.
Ito ang bahagi ng pastoral exhortation ng arsobispo kasunod ng kuwestiyunableng pagpasa ng panukalang diborsyo sa mababang kapulungan.
Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na mahalagang maging handa sa lahat ng aspeto ang bawat panig sa buhay pag-aasawa na panghabambuhay na pakikipagtipan maging sa kahirapan o kasaganahan ng pagsasama.
“The Church urges that those intending to contract marriage discern with maturity their preparedness for the duties marriage imposes on them – and not treat it as some provisional arrangement that can be conveniently set aside when it so suits them,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.
Sinabi ng arsobispo na bilang kristiyanong naniniwala sa mga Salita ng Diyos ay isang karangalan ang manindigan laban sa diborsyo.
Dagdag pa ni Archbishop Villegas na dapat tiyakin ng mga mag-aasawang nakahandang italaga ang mga sarili habambuhay at mamayani ang diwa ng tunay na pag-iibigan na tanda ng pakikipagkaisa ni Hesus sa simbahan.
“Through the wedded love of husband and wife, Christ the Lord seals his love for his Church, and because the bond that the Lord forges between himself and his Church is a bond that can never be broken, divorce would be perfidious to the reality of the sacrament,” giit ni Archbishop Villegas.
Gayunpaman sinabi ni Archbishop Villegas na bagamat walang kapangyarihang hadlangan ng mamamayan ang pasya ng mga mambabatas na isabatas ang diborsyo ay mahalagang isabuhay ng bawat binyagang maging misyonero sa pagbibigay ng wastong katesismo sa mga kapwa kristiyano sa paninindigan ng simbahang katolika laban sa diborsyo.
“The existence of a divorce law will not render divorce a moral option for Catholics for whom it will always remain contrary to the Gospel and to the constant teaching of the Church. Catholics who apply for and obtain divorce and re-marry are in a serious morally wrongful state,” giit ng arsobispo.
Tiniyak ni Archbishop Villegas na bukas ang Family Life Apostolate ng simbahan sa mga diyosesis at parokya para sa mga mag-asawang hindi nagkakasundo sa pagsasama sa pamamagitan ng counseling at companionship program.
Matatandaang 131 mambabatas ng mababang kapulungan ang pabor sa House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act, 109 ang tumutol habang 20 ang nag-abstain.
Batay sa kasaysayan 1917 nang naging legal ang diborsyo sa bansa sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano dahil sa adultery o concubinage na pinalawig sa panahong ng mga Hapon habang 1950 nang alisin ang diborsyo at pinalitan ng legal separation.
Sa kasalukuyan tanging Pilipinas at Vatican lang ang naninindigan sa kasagraduhan ng kasal makaraang gawing legal ang diborsyo sa Malta noong 2011.
Naghahanda ang simbahan kasama ang ibang grupong tutol sa pagsasabatas ng diborsyo sa pakikipagdayalogo sa mga mambabatas ng senado para ihayag at ipaliwanag ang saloobin sa pagtutol sa panukala.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 18,767 total views

 18,767 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 31,509 total views

 31,509 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 51,433 total views

 51,433 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 57,137 total views

 57,137 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 64,115 total views

 64,115 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 9,635 total views

 9,635 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top