Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,560 total reads

Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications Day sa June 1, 2025.

Inilabas ng Archdiocesan Commission on Social Communications ang mga panuntunan sa patimpalak na nakatuon sa temang ‘Umaasa kahit Wala nang Pag-asa’ kung saan bukas ito sa lahat ng parokya.

Isang short fim entry lamang na may lima hanggang sampung minuto ang haba ang maaring isumite ng mga parokyang lalahok na nakabatay sa tema o nagtataglay sa mga katangiang ‘faith, hope, love, humility, truht, trust, honesty, obedience, respect.’
Bukas ang short film category sa mga local parish film directors, producers, at production team na aktibong naglilingkod sa mga parokya.

Pinahihintulutan ang mga lumahok sa school, local at provincial film contest subalit hindi pahihintulutan ang mga lumahok na sa regional, national at international film festival.

“The entry must come with a catchy title, tagline or catch-phrase and should promote Filipino Catholic Faith and Social Teachings,” ayon sa pahayag ng JAFF.

Maaring gamitin ang wikang Ingles, Filipino, at iba pang diyalekto sa Pilipinas subalit inirerekomenda ang wastong english translation upang maunawaan ng mga manunuod.

Kabilang sa pamantayan ng paghusga sa short film ang originality at creativity sa 30-percent o kung nakabatay ang kwento sa tema at naitatampok ang katangian ng isang katoliko gamit ang mga orihinal na ideya; 35 percent sa storytelling at 35 percent din sa cinematography at technical quality.

Samantala sa ‘Film Poster Criteria’ maaring magsumite ang mga lalahok na parokya ng kanilang digital entries sa PNG or JPG format at sandard Movie poster size na 42×59.4cm.

Magiging batayan sa paghusga ng mga poster ang 20 percent sa technical criteria; visual and aesthetic criteria sa 20 percent; content sa 40 percent; at, general characteristics sa 20 percent.

Nilinaw ng pamunuan na ang lahat ng mga entries ay pagmamay-ari ng JAFF at ng Jaro Archdiocesan Commission on Social Communications matapos itong maisumite.

Paalala ng JAFF na ang anumang entries na matatanggap na lalabag sa mga panuntunan at nagtataglay ng mga mapanirang lathala at hindi sumasang-ayon sa adhikain ng patimpalak ay hindi tatanggapin.

Maaring isumite ang mga entries sa [email protected] hanggang May 25, 2025 habang ipapalabas ang mga short film sa June 1, sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon at Jubilee for World Communications Day.

Gaganapin naman ang awarding of films sa mga mananalong entries sa June 7 sa alas sais ng gabi sa Saint Vincent Ferrer Seminary sa Jaro, Iloilo City.

Unang isinagawa ang film festival ng arkidiyosesis noong 2021 sa pagdiriwang ng bansa sa ika – 500 anibersaryo ng kristiyanismo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 101,785 total reads

 101,785 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 195,811 total reads

 195,811 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 240,081 total reads

 240,081 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 263,189 total reads

 263,189 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 333,687 total reads

 333,687 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top