Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocesan Synodal team, itinatag ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

 2,885 total views

Itinatag ng Archdiocese of Lipa ang Archdiocesan Synodal Team bilang tugon sa nagpapatuloy na synodal journey ng Simbahang Katolika.

Sa isang liham sirkular, sinabi ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera na ang bagong tatag na pangkat ay magiging kanyang katuwang sa discernment process upang matukoy ang mga programang bibigyang-prayoridad ng Arkidiyosesis, batay sa resulta ng mga isinagawang konsultasyon sa iba’t ibang sektor ng simbahan.

Binubuo ang Archdiocesan Synodal Team ng mga pari, relihiyoso, at mga layko mula sa iba’t ibang larangan at ministeryo. Tinawag itong “laboratory of synodality” dahil ito ang magsusulong ng sama-samang pagninilay, pakikinig, at pagkilos sa loob ng lokal na simbahan.

“This team will work under my direct guidance as Archbishop, ensuring that the fruits of the Synod are integrated into the life of our local Church through prayerful discernment, broad consultation, and mission-oriented action,” ayon sa pahayag ni Archbishop Garcera sa kanyang liham sirkular.

Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat ng kasapi ng Archdiocesan Synodal Team at Archdiocesan Ministries na dumalo sa orientation at formation session sa darating na Martes, Agosto 26, sa St. Francis Theological Seminary, Marawoy, Lipa City, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Layunin ng formation na: Ihanda ang mga kasapi sa pagbasa at pagninilay sa Pinal na Dokumento ng Sinodo, kapwa sa diwa at nilalaman; Magbigay ng kasangkapan at metodolohiya upang isulong ang pagbabagong-sinodal at makiisa sa iba’t ibang pastoral realities ng Arkidiyosesis; Itakda ang papel ng Synodal Team sa pagpapatibay ng mga proseso, paghuhubog ng mga tagapagpadaloy, at pag-uugnay ng mga inisyatibang nakaayon sa landas ng sinodo; at itaguyod ang panalangin, pagninilay, at pamumuhay na nakasentro kay Kristo bilang puso ng sinodal na formasyon at pakikilahok.

This orientation marks an important step in the implementation phase of the Synod, which seeks to deepen the practice of synodality within each local Church,” dagdag ng Arsobispo.
Hiniling din ni Archbishop Garcera na basahin ng mga dadalo ang sumusunod bilang paghahanda: Final Document ng 16th Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops; mga gabay sa Implementation Phase of the Synod (2025–2028); at ang Sulong-Padayon: The National Implementation Framework.

Kasapi ng synodal team:
1. Fr. Jayson Alcaraz – Chairman
2. Msgr. Ruben Dimaculangan – Canon Law
3. Msgr. Ericson Tio – Commission on Clergy
4. Fr. Jayson Siapco – Moderator Ministeriorum
5. Fr. Carlo Magno Ilagan – USAL / Catholic Schools
6. Fr. Ildefonso Dimaano – Digital Media / Communication
7. Fr. Arnold Rosal OSJ – Men Religious
8. Fr. Manuel Lucero – Seminary
9. Sr. Maria Añanita Borbon RGS – Women and Children
10. Sr. Mary Julie Micosa MCSH – Women Religious / Psychology
11. Sr. Mary Fides – Eugene Realubit, OCD – Contemplative
12. Sr. Cecile Luna, FLP – BEC
13. Ms. Analyn Venzon – Council of the Laity
14. Dr. Randy Baja – Education
15. Ms. Elena Estacio – Elderly
16. Mr. John Paulo Ferrer – Social Action
17. Ms. Mary Elenor Adagio – Youth
18. Mr. Jerome Bayao – Youth / LGBTQ
19. Dr. Hermogenes Panganiban – Public School and Couples and Family
20. Mrs. Estelita Panganiban – Public School and Couples and Family
21. Mr. Ryan Gamboa – IT
22. Atty Ramel Muria – Good Governance
23. Dr. Emilio Francisco “Jun” Berberabe Jr. – Government and Public Service
24. Mr. Emmanuel Munda – Social Service and Cooperatives
25. Mr. Harold Lipa – PWD
Archdiocesan Synodal Secretariat of Lipa
26. Fr. Juan Carlos Coloso
27. Fr. Jared Christian Aro
28. Fr. Lorenzo Martin Zara
29. Fr. Paul Hermano

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 6,716 total views

 6,716 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 26,401 total views

 26,401 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 64,344 total views

 64,344 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 82,597 total views

 82,597 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

DA,kinilala ng FFF

 4,934 total views

 4,934 total views Kinilala ng Federation of Free Farmers ang pagbibigay ng prayoridad ng Department of Agriculture sa sektor ng mga Pilipinong magsasaka ng palay. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top