Kabataan, hinimok ni Pope Leo XIV na mamuhay sa kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,098 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Leon XIV ang mga kabataan na sikaping mamuhay sa kabanalan sa lahat ng pagkakataon.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa ginanap na pagtitipon ng mahigit isang milyong kabataan sa Tor Vergata bilang pagdiriwang ng Jubilee of Young People.
Binigyang-diin ni Pope Leo na si Hesus lamang ang tunay na pag-asa ng sangkatauhan. Aniya, matatamo ito sa pakikipag-isa kay Hesus sa pamamagitan ng panalangin, ng Banal na Sakramento, ng Eukaristiya, at ng pagkakawanggawa.

“Aspire to great things, to holiness, wherever you are. Do not settle for less. You will then see the light of the Gospel growing every day, in you and around you,” bahagi ng pagninilay ni Pope Leo XIV.

Iginiit ng Santo Papa na ang kaganapan ng buhay ay hindi matatagpuan sa mga materyal na bagay kundi kay Hesus na nagpamalas ng ganap na pag-ibig sa sanlibutan.
Ipinaalala rin niya na ang tao ay hindi nilikha upang balewalain o manatiling walang pagbabago, kundi upang patuloy na lumago sa kabanalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sarili sa pag-ibig.

Pinaalalahanan ni Pope Leo ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay bilang mga perigrinong nakikilakbay kay Hesus, puspos ng pag-asa, at isabuhay ang misyong ipalaganap ang pananampalataya sa bawat taong kanilang nakakasalamuha.
“Continue to walk joyfully in the footsteps of the Savior, and spread your enthusiasm and the witness of your faith to everyone you meet,” ani ng Santo Papa.

Muling ipinagkatiwala ng Santo Papa ang mga delegadong kabataan sa mapagkalingang pagmamahal ng Mahal na Birheng Maria, lalo na sa kanilang patuloy na pagmimisyon sa Simbahan.

Ang Jubilee of Young People ay bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year ng Simbahang Katolika ngayong 2025, kung saan isang milyong kabataan mula sa 146 na bansa ang nagtipon sa Roma, partikular sa St. Peter’s Basilica, Circus Maximus, at sa Calatrava Sail sa Tor Vergata.

Matatandaang noong Jubilee Year 2000, dalawang milyong kabataan ang nagtipon sa Tor Vergata kasama si St. John Paul II, ang noo’y Santo Papa, upang ipagdiwang ang buhay na panaAugust nampalatayang nakaugat kay Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 57,008 total reads

 57,008 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 95,260 total reads

 95,260 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 129,388 total reads

 129,388 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,794 total reads

 185,794 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top