Archdiocese ng Manila, magbibigay ng tulong sa mahihirap na komunidad sa Huwebes Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total views

Ibinahagi ng Arkidiyosesis ng Maynila na mamamahagi ito ng tulong sa mga mahihirap na komunidad na labis naapektuhan ng pandemya sa Huwebes Santo.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na siya ring chairman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines, ito ay pagpapatuloy sa misyon ng simbahan na paglingap sa kapwa.

“Sa Huwebes Santo, mamimigay ng ayuda ang simbahan para sa mahihirap lalo na ang mga affected sa pandemic,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ito rin ang binigyang diin ng obispo sa inilabas na Pastoral Statement ng arkidiyosesis kung saan sa huling hapunan ng Panginoong Hesus ay itinagubilin nito sa bawat isa ang pagpalaganap ng pag-ibig sa kapwa.

“We concretely show this love by caring for the poor. Let every parish distribute material help to people who are most affected by the lack of food during these days of the pandemic,” bahagi ng pastoral statement ni Bishop Pabillo.

Maaring gamitin ng mga parokya ang nalikom na pondo mula sa isinagawang special collections sa Alay Kapwa sa buong kuwaresma.

Dahil dito hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na nais magbahagi ng kanilang biyaya sa higit nangangailangan na makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang parokya upang maayos ang pagbabagi nito.

“I would like to invite those who still have something to spare to augment this collection to feed the hungry,” ani ng obispo.

Batay sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority nasa 3.2 milyon ang bilang ng mga Filipinong nagugutom dahil sa pandemya.

Ayon kay acting NEDA chief Karl Kendrick Chua maaring madadagdagan ito ng halos 60 libo kung muling magpatupad ang pamahalaan ng modified enhanced community quarantine.

Matatandaang simula Marso 2020 aktibo ang Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis sa pamamahagi ng tulong sa urban communities kung saan mahigit sa siyam na milyong indibidwal ang natulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 102,541 total views

 102,541 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 132,765 total views

 132,765 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 159,413 total views

 159,413 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 254,386 total views

 254,386 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 268,753 total views

 268,752 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top