Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese ng Manila, susunod sa GCQ guidelines

SHARE THE TRUTH

 352 total views

August 18, 2020

Inihayag ng Arkidiyosesis ng Maynila na susundin ang bagong panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan sa community quarantine.

Sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, muling isasailalim sa General Community Quarantine ang Metro Manila at karatig lalawigan o ang mas maluwag na panuntunan ng lockdown kung saan pinapayagan na ang pagbubukas ng ilang establisimiyento at maging ang mga pagtitipon tulad ng religious gatherings ngunit limitado lamang sa tatlumpong porsyento sa kapasidad.

Sa mensaheng ipinadala ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa Radio Veritas, sinabi nitong susundin ng arkidiyosesis ang panuntunan ng GCQ kaakibat ang mahigpit na pagsunod sa mga health protocols upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mga mananampalataya.

“We follow the GCQ guidelines with strict implementations,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Magugunitang naunang magpatupad ng MECQ guideline ang Arkidiyosesis ng Maynila noong ikaapat ng Agosto bilang tugon sa panawagan ng mga medical frontliners na time-out upang mag-recalibrate ng mga hakbang sa pagtugon sa corona virus pandemic.

Sa kabila ng pagluwag ng panuntunan ay patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus na sa kasalukuyang tala ng Department of Health ay umabot na sa mahigit 160, 000 kaso.

Panawagan ng simbahan sa mamamayan na paigtingin ang pagsunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng mga eksperto sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa mula sa COVID-19.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 65,819 total views

 65,819 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 89,809 total views

 89,809 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 80,265 total views

 80,265 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 96,421 total views

 96,421 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 136,131 total views

 136,131 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 25,502 total views

 25,502 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top