Archdiocese of Nueva Caceres, magpapadala ng missionay Priests sa Archdiocese of Castries at US

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Nakatakdang magpadala ng mga missionary priests ang Archdiocese of Caceres sa Archdiocese of Castries sa Caribbean at Diocese of Green Bay sa Estados Unidos.

Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, ito ay bahagi na rin ng pakikiisa ng arkidiyosesis sa hangarin ng Simbahang Katolika sa bansa na makapagpadala ng 500 lay, priests at religious missionaries sa iba’t ibang panig ng mundo kasabay ng paggunita sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

“It is the dream of the Philippine Church to send 500 lay, priests and religious missionaries to the different parts of the world this 500th Year of Christianity in the Philippines.” pahayag ni Archbishop Tirona sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mula taong 1997 ay aktibo na ang Archdiocese of Caceres sa pagpagpapadala ng mga missionary priests hindi lamang sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo sa ilalim ng Caceres Mission Aid Program na naghuhubog at naghihikayat sa mga pari na ibahagi ang kanilang serbisyo at misyon sa labas ng arkidiyosesis.

Naniniwala rin si Archbishop Tirona na isa rin itong patotoo sa napakalawak na narating at naabot ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

“Since 1997, the Archdiocese has sent priests to the different dioceses of the Philippines and other parts of the world. Under the Caceres Mission Aid Program, the archdiocese encourages, recruits, and trains diocesan priests for the mission works outside the archdiocese. It is our expression of our willingness to share the Gift of Faith received 500 years ago through the efforts of the early missionaries from Europe.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.

Sinabi ni Archbishop Tirona na naaangkop ang nakatakdang pagmimisyon ng apat na pari ng arkidiyosesis na sina Fr. Albert Balderas, Fr. Rommel Dacoc, Fr. Ramel Pajenago, at Fr. Fermin Valiente sa tema ng 500-years of Christianity in the Philippines na “Gifted to Give” kung saan ganap na maipapamalas at maibabahagi ng mga Filipinong Pari sa ibayong dagat ang biyaya ng pananampalataya na tinataglay at isinasabuhay ng mga Filipino.

Binigyang diin naman ng Arsobispo na hindi lamang natatapos ang pagmimisyon ng mga pari sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iba’t ibang lugar kundi napakabuluhan rin ang mga karanasan at mga natutunan.

“The Archdiocese is now a missionary church. We send as our expression of our participation in the mission cooperation program of the universal Church. While we help other churches or dioceses, our priests are also nourished by their experiences. The program has been an effective instrument in the ongoing formation of our priests. We help strengthen the faith of people. But, the people of the host dioceses of our missionaries also help us in strengthening our faith in Jesus.” Ayon pa kay Archbishop Tirona.

Pinangunahan ni Archbishop Tirona ang isinagawang Send-off Rite sa Naga Metropolitan Cathedral para kina Fr. Albert Balderas at Fr. Rommel Dacoco na pawang itinalaga upang magmisyon sa Diocese of Green Bay, Wisconsin, U.S.A. habang nakatakda naman sa ika-17 ng Hulyo ang Send-off Rite para kina Fr. Ramel Pajenago, at Fr. Fermin Valiente na itinalaga sa Archdiocese of Castries, Saint Lucia sa Caribbean.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,379 total reads

 5,379 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,100 total reads

 7,100 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 16,835 total reads

 16,835 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 54,213 total reads

 54,213 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 85,483 total reads

 85,483 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 161,929 total reads

 161,929 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 255,340 total reads

 255,340 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,499 total reads

 24,499 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top