Diocese of Novaliches, kaisa sa malawakang vaccination program ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Tiniyak ng Diyosesis ng Novaliches ang pakikipagtulungan sa malawakang vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Fr. Harvey Bagos, overall in-charge ng vaccination rollout ng diyosesis ito ang paraan ng simbahan na makiisa sa kampanyang labanan ang pagkalat ng coronavirus sa lipunan na labis nakakaapekto sa mamamayan.

“Tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna at ang commitment naman ng diocese ay gamitin ang ating mga simbahan upang mas mapabilis ang pag-rollout araw-araw,” pahayag ni Fr. Bagos sa Radio Veritas.

Sinabi pa ng pari na sa kasalukuyang mahigit na isanlibo ang nakatanggap ng bakuna sa pangunguna ng diyosesis kung saan karamihan sa A1 hanggang A3 priority group ay fully vaccinated na.

Unang tumanggap ng bakuna ang mga pari ng diyosesis at ilang parish volunteer workers na mangangasiwa naman sa gagawing vaccination program sa mga parokya.

Pagbabahagi ni Fr. Bagos ilan sa mga parokyang nagsasagawa ng vaccination rollout ang Pagkabuhay Parish sa Bagbag, San Bartolome Parish sa San Bartolome at Holy Family Parish sa Gulod na pawang nasasakop sa Novaliches Quezon City.

Sa North Caloocan naman isinasagawa ang pagbabakuna sa Caloocan Sports Complex at sa Our Lady of Fatima Parish sa Urduja Caloocan.

Umaasa ang pari na madadagdagan pa ang mga parokya na magbubukas para sa pagbabakuna alinsunod na rin sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na buksan ang mga simbahan sa vaccination program.

Sa pahayag naman ni Alessandra Moronionas, isa sa mga tumanggap ng Sinovac vaccine mula sa Diocese ng Novaliches mahalagang makiisa sa pagpapabakuna para sa kaligtasang pangkalusugan.

“There is a need really to be vaccinated kasi it is for our own protection; actually, very helpful kasi kapag nabakunahan ka na you have no more fear of going out,” ani Moronionas sa panayam ng himpilan.

Mensahe ni Fr. Bagos sa mamamayan na dapat hindi katakutan ang bakuna laban sa COVID-19 sapagkat ito ay para na rin sa kaligtasan ng mamamayan sa banta ng nakahahawang virus.

“Hindi dapat katakutan ang pagbabakuna sapagkat ito ay commitment at ang ating tugon sa paanyaya ni Papa Francisco na tumulong at maging bahagi ng solusyon at ng ating kaligtasan ng lahat laban sa COVID19,” ani Fr. Bagos.

Sa COVID-19 tracker ng Reuters mahigit walong milyong Filipino na ang nakatanggap ng bakuna o halos 3.7 porsyento sa kabuuang populasyon ang nabakunahan kontra coronavirus.

Patuloy ang panagawan ng simbahan sa mamamayan na magpabakuna laban sa virus upang tuluyang masugpo ang paglaganap ng virus sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 74,007 total reads

 74,007 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 169,156 total reads

 169,156 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 213,424 total reads

 213,424 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,533 total reads

 236,533 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 308,345 total reads

 308,345 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top