Bishop Alminaza, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 813 total reads

Humihiling ng panalangin si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza para sa kanyang agarang paggaling matapos itong magpositibo sa coronavirus disease.

Ayon kay Bishop Alminaza, maaaring nakuha niya ito sa pagpunta sa iba’t ibang lugar para maghandog ng panalangin sa mga mananampalataya upang maipadama ang pagpapala ng Diyos kahit na patuloy ang pag-iral ng pandemya.

Binigyang diin ng Obispo na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang pagkakahawa sa virus, bagkus ay tinitingnan niya ito bilang biyaya mula sa Diyos.

“Everything is a gift and providence! I took risks blessing people who would like to feel God’s tenderness and closeness to them. No regret! Now I have this rare and precious opportunity to see the other side of those we minister to,” bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihikayat din ni Bishop Alminaza ang lahat na ipanalangin din ang mga pasyenteng positibo rin sa COVID-19 na nawa’y makamtan ang lubusang kagalingan at matamo ang walang hanggang pagpapala ng Panginoon.

Gayundin ang kaligtasan ng mga frontliners na araw-araw ding humaharap sa mga pagsubok upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga apektadong pasyente.

“I ask for everyone’s prayers for my fast healing as for other COVID-19 patients even as I assure you too of my constant prayers and offerings my prayers for our frontliners have now become more heartfelt!” ayon kay Bishop Alminaza.

Hunyo 20, 2021 nang lumabas sa resulta ng swab test ni Bishop Alminaza na nagpositibo ito sa COVID-19.

Samantala, hahali muna si San Carlos Vicar General Monsignor Erwin Magnanao sa mga tungkulin ng Obispo habang ito’y kasalukuyang nagpapagaling.

Bukod kay Bishop Alminaza, pitong Obispo pa sa bansa ang nahawaan ng coronavirus kabilang na sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Bishop Broderick Pabillo, Bishop David William Antonio, Bishop Deogracias Iñiguez at Archbishop Jose Palma, habang nasawi naman sina Archbishop Oscar Cruz at Bishop Manuel Sobreviñas.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 54,566 total reads

 54,566 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 105,715 total reads

 105,715 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 226,295 total reads

 226,295 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 276,652 total reads

 276,652 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 401,584 total reads

 401,584 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 234,201 total reads

 234,201 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top