Archdiocese of San Fernando Pampanga, kaisa sa Holy Hour of Great Mercy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 673 total reads

Tiniyak ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga ang pakikibahagi ng arkidiyosesis sa pagsasagawa ng simultaneous Holy Hour of Great Mercy and Ringing of the Parish Church bells bilang paggunita ng Divine Mercy Sunday sa ika-19 ng Abril.

Sa Circular Letter No. 33 na nilagdaan ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, inatasan ng Arsobispo ang lahat ng mga Pari, Religious Men and Women at mga layko sa arkidiyosesis na makibahagi sa gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Holy Hour of Great Mercy at pagpapatunog ng kampana sa lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses sa ganap na alas-tres ng hapon.

Bahagi rin ng tagubilin ng Arsobispo ang pagbabahagi ng gagawing Holy Hour ng bawat parokya sa pamamagitan ng live streaming sa iba’t ibang social media accounts.

Ipinaliwanag ni Archbishop Lavarias ang nakatakdang gawain ay bahagi ng pastoral collaboration ng arkidiyosesis sa mga local ordinaries mula sa Ilocos Region – Region 1, Cagayan and Cordillera Region – Region 2 at Central Luzon Region – Region 3.

Patuloy namang hinihikayat ni Archbishop Lavarias ang pananalangin ng Oratio Imperata upang mawakasan na ang pagkalat at makahanap na ng lunas sa pandemic na Coronavirus Disease 2019.

“In pastoral collaboration with the Local Ordinaries of the Ilocos Region (Region 1), Cagayan and Cordillera Region (Region 2) and the Central Luzon Region (Region 3), we have approved and endorsed the simultaneous Holy Hour of Great Mercy and ringing of the parish church bells on 19 April 2020 (Second Sunday of Easter: Divine Mercy Sunday) at 3:00PM.

I enjoin all the Reverend Parish Priest to please hold this simultaneous holy hour in our respective parish churches and have it live-streamed through your parish social media accounts,” nasasaad sa Circular Letter No. 33 ni Archbishop Lavarias.

Batay sa tala may mahigit sa 2.3-milyon ang bilang ng mga Katoliko sa Archdiocese of San Fernando, Pampanga kung saan mayroong 94 na mga parokya na pinangangasiwaan ng may 165 Pari at mahigit sa 150 mga religious men and women.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,199 total reads

 1,199 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 6,233 total reads

 6,233 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 44,148 total reads

 44,148 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 270,419 total reads

 270,419 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 163,885 total reads

 163,885 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 257,601 total reads

 257,601 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top