Daughters of St. Anne, lugaw ang kinakain para makatulong sa mga walang pagkain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

April 18, 2020, 11:48AM

Nakibahagi ang Daughters of St. Anne sa Bacolod sa naranasang krisis sa buong mundo dulot ng pandemic COVID 19.

Ayon sa salaysay ni Sr. Crisvie Hapyy Montecillo, DSA, co-Executive Secretary ng Association of the Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), napagkasunduan ng kanilang komunidad sa mga nasabing lalawigan na kumain ng lugaw tuwing Martes at Biyernes upang makatipid ng pagkain at maibahagi sa ibang mamamayan na walang pagkain at walang kinikita dahil sa pagsara ng karamihang negosyo sa bansa.

Aniya, ito ang nakikitang pamamaraan ni Sr. Maricel Carcillar, DSA ng Blessed Mother Rosa Foster Home na nangangalaga ng mga bata, na makatulong sa mga nakatira sa paligid ng institusyon lalo na sa pagbibigay ng mga pagkain.

Bagamat payak na mga hakbang lamang ay malaking tulong ito sa mga walang makakain lalo’t mahigpit ang pamahalaan sa pagpapatupad ng community quarantine para protektahan ang kalusugan ng mga Filipino.

Ikinatuwa ng mga madre na suportado ito ng 16 na mga inaarugang mga bata kung saan sila mismo ang nagpahayag na nais nilang makiisa sa pagkain ng lugaw para makapagbahagi sa iba.

Sinabi pa ni Sr. Montecillo na umaasa lang din ang komunidad ni Sr. Mase sa tulong ng mga donors upang mapakain ang mga kinakalingang bata ngunit buong puso pa rin ang suporta nito sa buong komunidad na nakaranas ng hirap dahil sa krisis.

Bukod dito, magkatuwang din ang tatlong madre at 16 na mga bata sa paghanda ng tiglimang kilong bigas at mga gulay upang maipamahagi sa mga residente sa lugar.

Buong pusong ipinagmalaki ng isang limang taong gulang na bata na kasama ni Sr. Carcillar na sila ay nakapagbahagi sa kapwa nangangailangan dahil sa pagkain ng lugaw tuwing Martes at Biyernes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,256 total reads

 54,256 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,752 total reads

 140,752 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,789 total reads

 183,789 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,548 total reads

 233,548 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,201 total reads

 392,201 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top