Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arsobispo, dismayado sa pananaig ng political dynasties sa 2025 midterm election

SHARE THE TRUTH

 23,063 total views

Nagpapasalamat ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng mga aktibong nakilahok at tumulong sa katatapos lamang na araw ng halalan kabilang na ang mga kabataan.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, mahalagang kilalanin ang aktibong partisipasyon ng mga botante at nang lahat ng mga tumulong sa pangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

Paliwanag ng Arsobispo, ang halalan ay isang paraan ng pagtataguyod sa bansa kaya naman sadyang kinakailangan ng mga handang magsakripisyo at magbahagi ng kanilang panahon at lakas upang matiyak ang kaayusan, katapatan at kapayapaan ng halalan.

“Pasasalamat sa lahat ng nakilahok at tumulong sa Halalan. Ang pagtataguyod ng bansa ay nangyayari hindi lamang sa isang eleksyon, bagkus sa bawat eleksyon. Kaya sana huwag tayong mapapagod magsakripisyo at mag-ambag bawat eleksyon.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Dismayado naman si Archbishop Alarcon sa patuloy na pananaig ng political dynasty sa bansa kung saan mas higit na nananaig ang pansariling interes ng mga pamilya at angkan sa posisyon at kapangyarihan sa pamahalaan.

Giit ng Arsobispo, dapat na tandaan ng bawat isa na mas matimbang ang konkretong paggawa at pagpapamalas ng tunay na serbisyo publiko kumpara sa anumang pangako ng sinumang mga kandidato.

“Nakakalungkot lang na tila hindi na kultura ng paglilingkod at pag-ambag ang nananaig, kundi ng personal na interes o interes ng grupo o pamilya. Let us remember: one concrete good act is of much more value than a thousand promises.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) 63% sa mahigit 69.6 na milyong mga rehistradong botante ang mga maituturing na kabataan na kinabibilangan ng mga Gen Z at Millennials na nasa eedad 18-taong gulang hanggang 44-taong gulang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 13,613 total views

 13,613 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 28,324 total views

 28,324 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 41,182 total views

 41,182 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 115,401 total views

 115,401 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 171,055 total views

 171,055 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top