Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Tandag Diocesan Social Action Commission upang matukoy ang pangangailangan ng mga biktima ng 7.4 magnitude earthquake sa Surigao del Sur.
Ayon kay Caritas Philippines Humanitarian Unit head Jeanie Curiano, karamihan sa mga napinsala ay mga establisimyento at walang gaanong pinsala sa mga pamayanan.
Gayunman, sinabi ni Curiano na patuloy ang isinasagawang assessment ng Diyosesis ng Tandag gayundin ang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang higit na matukoy ang kalagayan ng mga apektadong pamilya.
“Based on the ocular assessment of the DSAC, medyo more on infrastructure—commercial and not too much damaged sa community. Pero community pa rin ang assessment on the ground,” ayon kay Curiano sa panayam ng Radio Veritas.
Sa huling ulat ng Office of Civil Defense, isang buntis ang naitalang nasawi, apat ang sugatan, habang nasa 529 pamilya o 2,647 indibidwal ang apektado ng paglindol.
Naganap ang magnitude 7.4 earthquake alas-10:37 ng gabi noong December 2, na batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay namataan ang epicenter sa Hinatuan, Surigao del Sur kung saan tectonic ang pinagmulan at mayroong lalim na 26-kilometro.
Paalala naman ng Phivolcs sa mamamayan na patuloy na maging alerto at handa sa epekto ng malalakas na aftershocks.
Una nang naglabas ng Oratio Imperata ang Diyosesis ng Tandag para sa kaligtasan ng lahat mula sa nararanasang sakuna.
Michael Añonuevo
Wednesday, August 5, 2026 7:07 pm
1,249 total views
Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa Office of the Ombudsman at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng pormal at masusing imbestigasyon sa mga iregularidad sa mga kontrata sa pangongolekta at pamamahala ng basura ng mga local government unit sa bansa.
Ayon sa grupo, mahalagang matukoy at maitama ang mga kahinaan sa solid waste management upang matiyak ang ganap na pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act o Republic Act 9003, sa halip na humantong sa mga panukalang magpapahina sa umiiral na batas o magbibigay-daan sa mga Waste-to-Energy (WtE) incineration project.
Iginiit ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na kinakailangang agarang tugunan ng Office of the Ombudsman at DENR ang mga alegasyon upang mapanagot ang sinumang lumabag at mapangalagaan ang pondo ng publiko.
“If there are irregularities in waste contracting, these must be exposed and corrected through due process. The focus should be on upholding accountability and supporting effective waste management, rather than letting governance gaps compromise the implementation of R.A. 9003,” pahayag ni Lucero.
Sinabi ng grupo na bagama’t maraming lokal na pamahalaan at mga katuwang na komunidad ang nagsisikap na maipatupad ang mga zero waste program, mahalaga pa ring magkaroon ng masusing pagsisiyasat upang matukoy ang mga hadlang sa epektibong pagpapatupad ng batas at mapawi ang anumang pagdududa sa paggamit ng pondo ng publiko.
Malugod ding tinanggap ng EcoWaste Coalition ang muling pagbuhay sa Environmental Ombudsman Program ngayong taon at hinimok ang Office of the Ombudsman na lubos itong gamitin upang palakasin ang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.
“Now is the time to actively mobilize this specialized team to investigate compliance gaps, audit anomalous garbage disposal deals, and compel recalcitrant LGUs to adhere to R.A. 9003,” ayon sa grupo.
Binigyang-diin pa ng EcoWaste Coalition na sa halip na pahinain ang pagpapatupad ng Republic Act No. 9003, dapat paigtingin ng pamahalaan ang waste segregation sa pinagmumulan, palawakin ang pagtatayo ng Materials Recovery Facilities (MRFs), suportahan ang informal waste workers, at isulong ang circular economy bilang pangmatagalan at makakalikasang tugon sa lumalalang suliranin sa basura sa bansa.
Kaugnay nito, una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ ang mahalagang pananagutan ng mga pamahalaan na tiyaking naipatutupad ang mga batas na nangangalaga sa kalikasan at nagtatanggol sa kapakanan ng mga mahihirap at higit na naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran.
Iginiit ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na may natatanging misyon ang mga pari sa gitna ng mga napapanahong hamon na kinakaharap ng bansa.
Sa kanyang pagninilay sa pagbubukas ng SOLTARE XVII Cup nitong August 4, kasabay ng paggunita kay San Juan Maria Vianney, patron ng mga pari, binigyang-diin ng arsobispo na hindi nagkataon ang pagkatawag ng Diyos sa mga pari upang maglingkod sa Pilipinas lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng bansa na nahaharap sa mga mabibigat na usapin.
“Hindi rin aksidente na tayo ay mga pari sa Pilipinas sa panahong ito. Hindi aksidente na pinag-uusapan natin ngayon ang impeachment. Hindi aksidente na pinag-uusapan natin ang West Philippine Sea. Hindi aksidente na pinag-uusapan natin ang fake news at misinformation. At ngayon, may napakalaking hamon sa atin—ang artificial intelligence. May plano ang Diyos kung bakit tayo ay mga pari sa Pilipinas sa taong ito, sa panahong ito,” ayon kay Archbishop Garcera.
Ayon sa pangulo ng CBCP, hindi dapat ituon ng mga pari ang kanilang bokasyon sa pagtulad lamang sa mga banal, kundi sa pagtuklas sa natatanging misyon na ipinagkakatiwala ng Diyos sa bawat isa.
“Ang tanong ay hindi: ‘Katulad ba ako ni San Juan Maria Vianney?’ Ang tanong ay: ‘Ako ba ang paring nais ng Diyos sa panahong ito?’ Am I the priest God desires me to be for this particular moment in Philippine history?” ayon pa sa arsobispo.
Binigyang-diin din ni Archbishop Garcera na bawat pari at obispo ay pinagkakalooban ng Diyos ng mga natatanging misyong gagampanan sa pamayanan.
“Each priest, each bishop is a mission. Bawat pari at bawat obispo ay isang misyon ng Diyos. ‘Missio Dei.’ Misyon ng Diyos, hindi misyon natin. You are the mission of God,” aniya.
Nagbabala rin ang arsobispo laban sa panganib na malihis ang pagtuon ng ministeryo ng mga pari dahil sa mga gawaing administratibo, social media, o pulitika sa halip na kay Kristo.
“Kapag ang sentro ng ating buhay ay ang administration lamang ng parokya, lulubog tayo… Kapag ang sentro ng ating buhay ay social media lamang… lulubog tayo… Kapag ang sentro ng ating buhay ay politika lamang, lulubog tayo. Ngunit kapag si Kristo ang ating tinitingnan, kahit sa gitna ng unos, makalalakad tayo,” ani Archbishop Garcera.
Kinilala rin ng opisyal ang maraming “sugat” na nararanasan ng Simbahan at ng lipunan, kabilang ang pagkakahati-hati ng bansa, pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, kahirapan, krisis sa kalusugang pangkaisipan, pagkasira ng mga pamilya, at paglayo ng ilan sa pananampalataya.
Gayunman, iginiit nitong nananatiling pag-asa ang mensahe ng Ebanghelyo.
“Hindi nagtatapos ang Diyos sa ating mga sugat. Nagsisimula Siya sa muling pagbangon. Ito ang puso ng synodality,” saad ng arsobispo.
Hinamon din ni Archbishop Garcera ang mga pari na maging mga tagapaghilom ng sugat ng lipunan sa halip na umasa lamang sa kakayahan sa teknolohiya o pamamahala.
“Hindi sapat na mahusay lamang tayo sa teknolohiya. Hindi sapat na mahusay tayo sa administration. Hindi sapat na mahusay tayo sa social media. Hindi sapat na mahusay tayo sa paggawa ng proyekto. Kailangan ng Simbahan ang paring marunong makiramdam, paring marunong makipaglakbay sa mahihirap, paring marunong maghilom ng sugat, at higit sa lahat, paring hindi nawawala ang kanyang paningin kay Kristo,” giit ni Archbishop Garcera.
Hinikayat ng CBCP president ang mga pari na huwag lamang gayahin ang mga banal kundi maging tapat sa natatanging misyong ipinagkaloob sa kanila ng Diyos tulad ng mga halimbawa na ipinamamalas ng mga banal ng simbahan.
Kasalukuyang nagtitipon ang mga obispo at pari mula sa Southern Luzon sa Diocese of Calapan, Oriental Mindoro, para sa taunang SOLTARE at paghahanda sa pagtatalaga ng unang obispo sa bagong diyosesis.
Reyn Letran - Ibañez
Wednesday, August 5, 2026 2:32 pm
4,016 total views
Inaanyayahan ng Diocesan Shrine of Nuestra Señora del Buen Suceso ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng ika-401 anibersaryo ng enthronement ng Nuestra Señora del Buen Suceso, Patrona ng Lungsod at Diyosesis ng Parañaque, sa Agosto 10, 2026.
Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Anton Maria Francesco Carabeo, committee member ng Ministry on Documentation and Archives ng dambana, na tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang gawaing espirituwal at pangkulturang magpapakita ng matatag na debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Birhen.
“We would like to invite all of you for the solemnity and feast, and the 401st anniversary of the enthronement of the Patroness of the City and Diocese of Parañaque, Nuestra Señora del Buen Suceso. This will be this coming Monday, August 10, 2026,” Bahagi ng pahayag ni Carabeo.
Isasagawa ang mga banal na misa sa ganap na alas-6:00 ng umaga, alas-8:00 ng umaga, alas-10:00 ng umaga, alas-12:00 ng tanghali, at alas-6:00 ng gabi.
Bukod sa mga misa, magkakaroon din ng Rosario Cantada sa alas-2:00 ng hapon, isang tradisyunal na pagdarasal ng Santo Rosaryo na sinasabayan ng tugtugin ng brass band, na susundan ng maringal na prusisyon sa alas-4:00 ng hapon kasama ang mga kalahok sa Buen Suceso Dance Festival.
Ang Misa Mayor naman ay isasagawa ganap na alas-6:00 ng gabi na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, habang isasagawa naman pagkatapos ng banal na misa ang preliminary round ng Buen Suceso Dance Festival.
Ayon kay Carabeo, bahagi pa rin ang pagdiriwang ng isang taong paggunita sa ika-400 taon ng debosyon sa Nuestra Señora del Buen Suceso na nagsimula noong nakaraang taon, kaya nananatili pa ring Jubilee Church ang dambana hanggang Setyembre 8, 2026.
“Hanggang September 8 na lang din po ang Jubilee Door. Lalo na po sa mga magagawi sa area namin, lalo na ang mga manggagaling sa airport dahil sobrang lapit lang po kami sa NAIA, we really invite those pilgrims to come over,” Dagdag pa ni Carabeo.
Hinikayat din ni Carabeo ang lahat ng mga deboto, pamilya, kabataan, maysakit, at mga migranteng manggagawa na dumalaw sa dambana at ipagkatiwala sa Mahal na Birhen ang kanilang mga panalangin.
“Lahat po ay aming inaanyayahan sa dambana ng Ina ng Mabuting Pangyayari. Kasi baka may mabuting pangyayari rin ang naghihintay sa inyo sa pagdalaw ninyo sa ating Ina at sa ating Panginoon,” Ayon pa kay Carabeo.
Itinuturing ang Nuestra Señora del Buen Suceso bilang isa sa pinakamatandang Marian devotions sa bansa at patuloy na nagsisilbing sagisag ng pag-asa, pagtitiwala, at paglapit sa Diyos para sa mga mananampalataya sa Parañaque at sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
19,534 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa
54,463 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas. Sa isang privilege
238,540 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,
262,250 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50
1,250 total views Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa Office of the Ombudsman at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng pormal at masusing
968 total views Nagbabala ang Alyansa Tigil Mina (ATM) laban sa isinusulong na open-pit gold and copper mining project ng Kingking Mining Corporation (KMC) sa Davao
4,135 total views Binigyang-diin ni Rodne Galicha, chairperson ng Bayay Sibuyanon at executive director ng Living Laudato Si’ Philippines, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan at
37,979 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang