Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,111 total reads

Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11

Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang babae sa kanya at tanungin siya kung ano ba ang nararapat sa babaeng ito ayon sa Batas ni Moises. Pangalawa, matapos niyang sabihin, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato.” Yumuko daw siya at nagsulat sa lupa.

Ako sa palagay ko, kunwari lang siyang nagsulat. May ibang dahilan kung bakit siya yumuko. Hindi ba ginagawa rin natin ito noong mga estudyante pa tayo? Kapag may mahirap na tanong si titser at tumitingin sa mga estudyante kung sino ba ang nakakaalam sa sagot, sigurado lang iyung iba yuyuko at magsusulat. Pero pag tiningnan mo ang notebook nila, wala namang isinusulat. Kunwari lang na nagsusulat. Para hindi obvious na ang dahilan ng pagyuko ay para makaiwas sa question ni Titser.

So, ano ang dahilan ng pagyuko ni Hesus? Tingnan muna natin ang sitwasyon. Kinaladkad daw ng isang grupo ng mga Eskriba at Pariseo ang isang babaeng diumano’y nahuling nakikiapid para iharap ito kay Hesus. Nasa gitna siya noon ng maraming taong nakikinig sa kanyang pagtuturo. Sabi sa ebanghelyo, ang tunay na pakay ng mga Eskriba at Pariseo ay para hulihin siya sa kanyang sasabihin tungkol sa kaso, para may maisakdal laban sa kanya. Sa madaling salita, hindi talaga ang babae kundi si Hesus ang kanilang pinupuntirya.

Alam naman nila na ayon sa batas ni Moises, hindi lang ang babae kundi pati ang lalaking nahuli sa pakikiapid ang mahahatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbabato sa publiko.
Pwedeng kwestyunin ni Hesus kung bakit babae lang ang inaakusahan nila. Kung totoong nakiapid siya, nasaan ang kalaguyo? Di ba dapat pareho silang parusahan ng kamatayan ayon sa batas? Nasusulat iyon sa Leviticus 20 at Deuteronomy 22.

Pero kapag sumagot nang ganito si Hesus, ibig sabihin sumasang-ayon siya sa parusang kamatayan. Kung may isang bagay tungkol sa batas na mukhang hindi komportable si Hesus, isa na dito ang parusang kamatayan para sa mga tipo ng kasalanan na nakalista sa batas ni Moises. Kaya imbes na sumagot, yumuko lang muna siya. Hindi naman kasi lahat ng tanong ay dapat sagutin kaagad, lalo na ang mga tanong na ang datíng ay parang patibong. Kumbaga sa chess, inisip munang mabuti ni Hesus kung saan papunta ang galaw nila.

Isa pang dahilan ng kanyang pagyuko ay upang huwag tumingin sa babae. Ayaw ni Hesus na makisali sa maraming taong humahatol sa kanya. Para kay Hesus, ang pagparusa ay hindi lang sa pambabato nagsisimula. Sa pagtingin pa lang o pagtitig sa akusado parang nahuhubaran na ng dangal ang taong tinititigan. Kusang iniwasan ni Hesus ang tumingin dahil ayaw niyang makiisa sa pagyurak sa anumang natitirang dignidad ng babae. Kaya siya yumuko.

Palagay ko ito ang dahilan kung bakit sa mga tradisyunal nating mga kumpisalan sa simbahang Katoliko, may divider at may kurtina sa pagitan ng pari at ng nangungumpisal. Sa Ingles, ang tawag dito ay “saving face”. Hindi kailangang ipakita ng nagkasala ang mukha niya. Ang pagpapakumbaba niya sa pamamagitan ng pag-amin sa ginawang kasalanan, ang tinig ng pagsisisi at pagnanais na makipagkasundo ay sapat na. Kusang tinatakpan ng pari ng kurtina ang lugar ng nangungumpisal para hindi niya makita ang mukha, kahit kilala pa niya ang boses. Ito’y upang hindi “mawalan ng mukha” (“lose face,” sa Ingles) o mapahiya ang nangungumpisal, upang lumakas ang loob niya sa kagustuhan niyang mapanumbalik ng Diyos ang dangal ng kanyang pagkatao.
Sa Bibliya, sa aklat ng Genesis, sinasabi sa Gen 3:21, bago daw pinalabas sina Adan at Eba mula sa Paraiso, dinamitán muna sila ng Diyos ng balat ng hayop. Ibig sabihin tinakpan muna ang kahubaran nila.

Ang ginagawa ng maraming tao ngayon na panghihiya sa kanilang kapwa-tao sa social media ay walang ipinagkaiba sa sinaunang parusa ng pambabato sa mga makasalanan. Hindi na sa mga plaza o patio kinakaladkad ngayon ang nagkasala kundi sa FB, sa Twitter, Instagram at iba pang plataporma ng social media. Ang kapalit ng mga bato ay mga galít na mukha, malulupit na comments, pagmumura, panlalait, at pambabalahura. Minsan hindi pa sapat sa kanila ang tumingin, ise-share pa ito para magviral kahit hindi pa inaalam kung totoo ba o hindi, para makita ng lahat at malubos ang pagpapahiya sa tao sa publiko. Ang ibang kinakaladkad hindi nakakayanan ang pagkapahiya, nadidepress o nagsu-suicide. Palalampasin ba ng Diyos ang ganitong kalupitan?
Nang tumayo daw si Hesus hindi pa rin siya sa babae tumitingin kundi sa mga kumaladkad sa kanya. Sila ngayon ang hinamon niya nang ganito, “Ang walang kasalanan sa inyo ang siyang unang bumato.”

Pagkatapos, muling yumuko si Hesus. Bakit? Itong pangalawang pagyuko niya ay hindi na para sa babae kundi para sa mga ibig bumato sa kanya. Yumuko siya upang bigyan sila ng pagkakataong mag-isip-isip, umatras at umuwi. Parang ang mensahe niya sa kanila ay, “Kung napasubo lang kayo o nadala lang sa panunulsol ng kapitbahay nyo, pwede pa kayong magbago ng isip. Pwede ninyong ibaba ang hawak ninyong mga bato at umalis, HINDI AKO TITINGIN.” Yumuyuko daw ang mga kawayan upang padaanin ang bagyo.

Kaya siguro nasabi ni Hesus sa kanyang sermon sa bundok,“Huwag kang manghusga at hindi ka huhusgahan. Magpatawad ka at ika’y patatawarin. Dahil ang panukat na ginagamit mo para sa iyong kapwa ang siya ring gagamiting panukat sa iyo.”

Sa kuwaresmang ito, isipin natin ang napakaraming naging mga biktima ng EJK sa tatlong siyudad na kinapapalooban ng ating diocese. Mga taong hinusgahan ng marami sa atin, kahit sa isip lang, na porke’t pinatay ay baka talagang adik, na porke’t adik ay deserving na kaagad ng parusang kamatayan na wala nang due process, at basta lang itinuring bilang kabawasan sa mga salot ng lipunan. Hindi man kasali ang tumingin sa pagbaril kasama naman silang tahimik na nanood sa mga hinahakpt na bangkay. tinitigan lang natin matapos na mabaril. O isipin ang mga nirered-tag, mga taong natatawag na komunista dahil sa malasakit sa mga dukha. Isipin natin ang mga taong kinaladkad at pinagpyestahan sa publiko nang di man lang binigyan ng kahit kaunting palugit ng habag sa pagkayurak ng kanilang dangal bilang tao at kapwa nilikhang kawangis ng Diyos.

Isipin natin na alam ng Diyos ang totoo ngunit nakayuko lang siya upang bigyan tayo ng pagkakataong magsisi at bumitaw sa mga bato ng maling panghuhusga. Sabi ng Salmo 130:3, “Kung tatandaan mo Panginoon ang lahat ng aming mga kasalanan, sino kaya sa amin ang matitira?”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 121,874 total reads

 121,874 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 155,203 total reads

 155,203 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 187,347 total reads

 187,347 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 253,410 total reads

 253,410 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 264,843 total reads

 264,843 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN POWER REJECTS ACCOUNTABILITY

 9,388 total reads

 9,388 total reads I listened patiently to President Donald Trump’s speech before the UN General Assembly yesterday. One part that particularly disturbed me was his attack

Read More »

A SPEECH THAT LEFT ME DEEPLY DISTURBED

 9,388 total reads

 9,388 total reads Yesterday, I watched President Donald Trump deliver his speech before the United Nations General Assembly. It was rather long, but I listened patiently

Read More »

LUNDAG-LINYA

 7,763 total reads

 7,763 total reads Homiliya para sa Martes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Setyembre 2026, Lucas 8:19–21 Naranasan na ba ninyo na nakapila kayo, tapos

Read More »

WHEN WAR SPREADS, WHO IS SAFE?

 6,868 total reads

 6,868 total reads I am deeply concerned about the continuing escalation of the war in the Middle East. What began with American and Israeli attacks on

Read More »
Scroll to Top