Ateneo shooting, kinondena ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total reads

Kinondena rin ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang naganap na pamamaril sa Ateneo de Manila University kung saan tatlo katao ang nasawi kabilang na ang dating alkalde ng Lamitan.

Sa pamamagitan ni CEAP President Sr. Ma. Marissa R. Viri, RVM, ipinapaabot ng samahan ang pakikiramay sa pagpaslang kina dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay, Senior Executive Assistant nito na si Victor George Capistrano, at Ateneo de Manila University Security Personnel, Jeneven Bandiala.

“The Catholic Educational Association of the Philippines vehemently condemns the reported shooting incident that took the lives of former Lamitan City Mayor Rose Furigay, Senior Executive Assistant Victor George Capistrano, Ateneo de Manila University Security Personnel, Jeneven Bandiala.” Ang bahagi ng pahayag ni CEAP President Sr. Viri.

Giit ni Sr. Viri hindi katanggap-tanggap ang anumang uri ng karahasan na bumibiktima sa mga inosenteng mamamayan kung saan umaasa ang CEAP na agad na mabigyan ng katarungan ang sinapit ng mga nasawi.

“CEAP strongly condemns any act of violence, we hope and pray that justice will be swiftly served.” Dagdag pa ni Sr. Viri.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police ang hidwaan sa pagitan ng suspek na si Chiao Tiao Yumol at Furigay ang maaaring dahilan sa pamamaslang.

Sa ulat, sinampahan ng kasong cyber-libel ng dating alkalde si Yumol bunsod ng mga alegasyon ng huli sa pagkakasangkot sa korapsyon at iligal na droga sa dating alkalde.

Una na ring kinondina ni Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Leo Dalmao ang pamamaril laban sa dating alkalde ng Lamitan kung saan ibinahagi ng Obispo ang pagiging masigasig ng dating opisyal bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong ng ‘peace building’ sa Basilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,507 total reads

 82,507 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,828 total reads

 116,828 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,128 total reads

 152,128 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,398 total reads

 378,398 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,399 total reads

 267,399 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top