107,118 total views

Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Disyembre, kasabay ng Human Rights Day, naglayag ang Christmas convoy ng Atin Ito Coalition mula El Nido sa Palawan patungong Lawak Island sa West Philippine Sea (o WPS). Sa makasaysayang pangunguna ng mga sibilyan, hangad ng convoy na maghatid ng mga pamaskong donasyon sa mga sundalo, coast guard, mangingisda, at kanilang mga pamilyang nasa mga teritoryo ng Pilipinas—mga teritoryong pilit inaagaw ng Tsina.

Sakay ng TS Kapitan Felix Oca, ang mother ship ng convoy, at apatnapung fishing boats ang dalawandaang civil society volunteers, kabataan, katutubo, mangingisda, at mga journalists. Kasabay rin ng convoy ang tatlong barko ng Philippine Coast Guard (o PCG). Sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag ay bumuntot ang apat na barko ng Tsina. Dahil dito, nagdesisyon ang kapitan ng mother ship na bumalik na lamang sa Palawan alang-alang sa kaligtasan ng mga sibilyan. Sa kabila nito, nakalusot naman ang isang maliit na barkong parte ng convoy at matagumpay na naihatid ang ilang donasyon sa Lawak Island.

Ang kauna-unahang civilian-led supply mission na ito sa WPS ay napakahalaga lalo na’t kamakailan ay may mga insidente na naman ng pambu-bully ng Tsina sa Pilipinas. Ilan lamang sa ginawang pagha-harass ng mga barko ng Tsina noong nakaraang linggo ay ang ramming o pagbangga sa mga sasakyang pandagat natin, pagbomba gamit ang water cannon, at paggamit ng long-range acoustic device sa mga barko ng Pilipinas. Naganap ang mga insidenteng ito sa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal na parte ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Napakahalagang ipakita natin ang suporta at pakikiisa natin sa mga kababayan nating nasa WPS. Wika nga ni Fr. Robert Reyes na nagdaos ng misa sa barko: “Ang issue ng WPS ay para bang napakalayo sa mga tagasiyudad—sa Maynila, sa mga urban centers” na tila “alien” ang mga islang naroroon. Kaya naman, dagdag niya, “[napakahalagang] puntahan hindi lang ng mga coast guard at mga sundalo kundi ng mga karaniwang mamamayan” ang mga isla sa WPS. Ang teritoryong ito na nasa periphery o dulo ng bansa ay mahalaga at, giit ni Fr. Reyes, “kailangang pumasok sa kamalayan ng mga mamamayan” ang usapin tungkol sa ating soberanya.

Para naman sa co-convenor ng WPS Atin Ito Coalition na si Rafaela David, umaasa silang magbibigay-daan ang inisyatibong ito na i-normalize o gawing pangkaraniwan ang pagkilos at paglalayag ng mga Pilipino sa teritoryo natin. Aniya, ipinakita ng paglalayag na itong posible ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at grupo para sa iisang layunin—ang ipagtanggol ang West Philippine Sea. Binanggit din ng co-convenor na pinaplano ng grupong magsagawa muli ng misyon sa WPS sa susunod na taon. Ipinahayag naman ng PCG na handa silang tumulong muli sa misyong ito.

Isang mahalagang prinsipyo sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang solidarity o pakikiisa sa mga nangangailangan. Sa kanyang mensahe sa publiko noong 2020, sinabi ni Pope Francis na ang solidarity ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos. At hindi lamang tumitigil ang solidarity sa pagrespeto sa bawat isa. Kasama rin dito ang pagtulong sa kapwa kapag sila ay inaapi at nasa panganib. Ang solidarity ay ang determinasyon nating makamit ang kabutihang panlahat—ang kabutihan ng bawat isa—dahil responsabilidad natin ang isa’t isa.

Mga Kapanalig, ipakita natin ang pagmamahal natin sa bayan—ang pakikiisa natin sa mga kababayang nasa frontlines ng laban para sa sovereign rights natin sa West Philippine Sea—hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa, gaya ng wika sa 1 Juan 3:18. Gaya ng sigaw ng mga civilian volunteers na nanguna sa Christmas convoy, “Atin ito!” 

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 70,384 total views

 70,384 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 81,177 total views

 81,177 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,583 total views

 86,583 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 123,666 total views

 123,666 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 135,312 total views

 135,312 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 70,385 total views

 70,385 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 81,178 total views

 81,178 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,584 total views

 86,584 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 123,667 total views

 123,667 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 135,313 total views

 135,313 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 105,893 total views

 105,893 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 111,686 total views

 111,686 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 124,068 total views

 124,068 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 72,384 total views

 72,384 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 107,590 total views

 107,590 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 153,423 total views

 153,423 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 154,441 total views

 154,441 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 128,207 total views

 128,207 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 125,266 total views

 125,266 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 126,308 total views

 126,308 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top