Traslacion ng Poong Hesus Nazareno, isasagawa sa Davao city

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,349 total reads

Inaanyayahan ng grupo ng mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Davao City ang mananampalataya na makiisa sa ikasiyam na taong pagdiriwang ng kapistahan sa Enero.

Ibinahagi ng Davao Nazareno ang mga gawain bilang paghahanda sa kapistahan gayundin ang pakikiisa sa mga banal na gawaing magpaparangal at magpupuri sa Panginoong Hesus.

“Giawhag ang tanang mga Dabawenyo ug ang tanang mga Katolikong Kristyano sa mga nagkalain-laing siyudad ug lunsod sa Mindanao nga moapil sa pagsaulog sa kapistahan sa Poong Jesus Nazareno isip paagi sa pagpalig-on sa ilang pagtoo ug pagsalig ngadto sa Ginoo ug isip inspirasyon sa pagatubang sa mga hagit sa kinabuhi,” mensahe ng Davao Nazareno.

[Inaanyayahan ang lahat ng Dabawenyo at Katolikong Kristiyano sa iba’t ibang lunsod at bayan ng Mindanao na makiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Jesus Nazareno bilang paraan ng higit na pagpapatibay sa pananampalataya sa Diyos na insipirasyon at gabay sa pagharap ng mga hamonng buhay]

2015 nang pinagkalooban ang Archdiocese of Davao ng replica image ng Nuesto Padre Jesus Nazareno mula sa Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene bilang pagpapalawak sa debosyon ng Poong Nazareno sa iba’t ibang panig ng bansa at daigdig.

Inilagak ang imahe ng Poong Jesus Nazareno sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel sa DECA Homes Esperanza Tigatto, Buhangin, Davao City na sakop ng San Alfonso Maria de Liguori Parish.

Sisimulan ng grupo ang mga gawain ng kapistahan sa December 31, 2023 sa nakaugaliang ‘Pabihis’ o pagpapalit ng kasuotan ng poon sa alas tres ng hapon na susundan ng Misa Nobenaryo sa ikaanim ng gabi.

Isasagawa ang misa nobenaryo sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel sa December 31 hanggang January 5, 2024 habang sa January 6 hanggang 8 ay isasagawa ito sa San Alfonso Maria de Liguori Parish.

Sa araw ng kapistahan sa January 9 isasagawa ang Traslacion ng Poong Jesus Nazareno sa alas otso ng umaga mula sa parokya pabalik sa kanyang dambana sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel na susundan ng Fiesta Mass sa ika – 10 ng umaga at ikaanim ng hapon.

Samantala patuloy din ang paghahanda ng Quiapo Church sa nalalapit na kapistahan kung saan nitong December 16 ay nagsagawa ng ‘walkthrough’ sa rutang dadaanan ng prusisyon sa Nazareno 2024 sa January 9.

Ang kapistahan sa traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ang isa sa pinakamalaking pista sa Pilipinas na dinadaluhan ng humigit kumulang 20-milyong mananampalataya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 3,470 total reads

 3,470 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 13,205 total reads

 13,205 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 54,299 total reads

 54,299 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 88,426 total reads

 88,426 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 144,832 total reads

 144,832 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top