Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

AVT Liham Pastoral Makiisa Laban sa Korapsyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 62,493 total views

“Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon” (Efeso 5:11)

 

Mahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay,

Sumisigaw ang bayan. Sobra na! Tama na! Oo, sobra na ang pagnanakaw sa bayan ng mga taong dapat maglingkod sa atin. Ang mga inihalal natin ay dapat maglingkod sa bayan. Bakit sila ang nagpapayaman ng sarili? Bakit sila ang nagpapalapad ng kanilang lupain? Pati dito sa Palawan tayo ay binabaha. Wala bang flood control projects dito? O galing ito sa pagmimina na pinapaburan ng mga politiko natin?

Galit na galit ang mga tao sa korapsyon at sa mga tao na nakikinabang dito. At tama lang! Napakasama ng korapsyon. Ito ay pagnanakaw sa buwis ng taong bayan, ng buwis natin. Kaya kulang ang mga serbisyo sa tao kasi ang pera na dapat ilaan dito ay ginagamit sa mga projects na hindi talaga natin napapakinabangan. May mga ospital tayo na kulang ang facilities, na kulang sa mga doktor at mga nurses. Maraming daan sa ating mga barangay ay maputik sa tag-ulan at maalikabok sa tag-init. Maraming mga barangay natin ay wala pang tubig. Marami ay hindi pa naaabot ng kuryente. Ang mga ito ay dapat gawain ng gobyerno, at hindi nagagawa dahil sa walang pera, at bakit walang pera? Kinukuha ang pera para dito at napupunta sa bulsa ng mga tao sa gobyerno at mga contractors. Huwag dapat nating tanggapin na ito ay SOP (Standard Operating Procedure). Pangkaraniwang kalakaran na ba na kumuha ng porsyento sa bawat project? Kalakaran na ba na dapat magpadulas para magawa ang isang bagay sa gobyerno? Huwag nating tanggapin na kalakaran na ang korapsyon. Sabi sa atin ng Banal na Kasulatan na ibunyag natin ang mga ito. Huwag nating tanggapin na ito ay normal na kalakaran na.

Hindi maging maayos ang takbo ng pamahalaan kung ang mga tao na nagdedesisyon sa gobyerno ay hindi makatarungan at pinilit lang ang sarili nila na umupo sa puesto sa pamimili ng boto. Ngayon na natin suriin ang ating sarili kung binoto ba natin ang mga taong kurap. Nabili ba ang boto natin? Dahil sa nabigyan tayo ng ayuda, ngayon sinisingil na tayo ng mga politikong ito. Sa halip na magkaroon mga project sa ikabubuti ng lahat, ang mga paaralan natin, ang mga daan, ang mga tulay, ang mga ospital at gamot, ang ating patubig at kuryente ay hindi naibibigay sa atin. Ganito kasama ng korapsyon.

Ang isang nagpapalala ng korapsyon ay ang political family. Iyan ay iyong mga pamilya na sila na lang ang nakaluklok, at sa ibang lugar, ay sabay-sabay pang nakaupo sa puwesto. Magiging matatag ang pamamahala kung mayroon pagsusuri at pagbabantay sa ginagawa ng nakaupo. Magkakaroon ba ng makatarungang pagbabatay at pagsusuri kung magkamag-anak ang nakaupo o kamag-anak ang sinundan? Kung gusto nating mabawasan ang korapsyon, huwag na tayong bumoto ng mga magkamag-anak.

Nasa Palawan tayo. Hindi nangyayari ang malalaking korapsyon na natuklasan na nangyayari sa ibang lalawigan ng bansa. Baka mayroon din dito? Hindi pa lang natutuklasan. Pero ang kalakaran ng korapsyon ay nandito rin. Huwag nating tanggapin na ganito na talaga ang ating bansa, na ang Palawan ay talagang ganito, na sira-sira ang mga daan natin, na wala tayong maayos na tubig, na walang kuryente ang mga sitio natin, na walang gamot ang mga health centers natin. Hindi! Magbabago ito kung mawala ang korapsyon. Suriin natin at bantayan ang mga nanunungkulan sa atin ngayon at singilin natin sila. Dapat silang maglingkod sa atin. Sinusuweldohan natin sila para dito, at hindi para kunin at gamitin sa sarili ang pera natin. Magkaisa tayo na labanan ang korapsyon, ang pagnanakaw sa bayan.

Ang kasama ninyong nagmamasid,

Bishop Broderick Pabillo
Ika-21 ng Setyembre, 2025

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 25,057 total views

 25,057 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 92,545 total views

 92,545 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 113,610 total views

 113,610 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 136,093 total views

 136,093 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 171,871 total views

 171,871 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily June 21, 2026

 8,986 total views

 8,986 total views 12th Sunday of Ordinary Time Cycle A Father’s Day Jer 30:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito.

Read More »

Homily June 14, 2026

 13,761 total views

 13,761 total views 11th Sunday in Ordinary Time Cycle A Ex 19:2-6 Rom 5:6-11 Mt 9:36-10:8 Nababahala ang Diyos sa atin. Hindi niya tayo nilikha, nilagay

Read More »

Homily June 7, 2026

 17,289 total views

 17,289 total views Corpus Christi Cycle A Dt 8:2-3.14-16 1 Cor 10:16-17 Jn 6:51-58 Ang isang katangi-tanging tanda ng ating pagiging Katoliko ay ang pagtanggap natin

Read More »

Homily May 31 2026

 23,839 total views

 23,839 total views Holy Trinity Sunday Cycle A BEC Sunday Ex 34:4-6.8-9 2 Cor 13:11-13 Jn 3:16-18 Kung hindi natin kilala ang isang tao, hindi tayo

Read More »
Scroll to Top