Bagong kalihim ng DENR, hinamong ipatigil ang destructive mining sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 952 total reads

Patuloy na maninindigan ang Diyosesis ng Bayombong upang pigilan ang mapaminsalang epekto ng pagmimina sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi na makatarungan ang naidudulot na panganib ng pagmimina sa lalawigan lalo’t higit sa kaligtasan ng pamayanan at ng kalikasan.

“The destruction these mining companies cause far outweighs whatever benefits they give to the workers, barangays, towns, and the national government. Destruction of natural resources is written all over the land,” ayon kay Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang operasyon ng dalawang malaking kumpanya na OceanaGold Philippines Incorporated (OGPI) sa Barangay Kasibu, Didipio at FCF Minerals Corporation sa Barangay Runruno, sa bayan ng Quezon matapos na muling pahintulutang magmina.

Nauna nang hinamon ng mga katutubong babae ng Tuwali si bagong Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga upang pangalagaan ang karapatan ng mamamayan at tapusin na ang deka-dekadang epekto ng mapaminsalang pagmimina sa komunidad ng Didipio.

Hiniling ni Myrna Duyan, chairperson ng Bileg Dagiti Babbae na huwag nang bigyan ng mining permit renewal ang OceanaGold, at panagutin ang kumpanya sa idinulot nitong 25 taong pinsala sa kapaligiran at paglabag sa karapatang pantao.

“It is our livelihood, our food, and our home. For all the years that OGPI has destroyed our land, we have also stood up and defended it,” ayon kay Duyan.

Dalangin naman ni Bishop Mangalinao na nawa’y lumikha ng konkretong kilos ang DENR at dinggin ang hinaing ng mga katutubong komunidad ng Nueva Vizcaya upang tuluyang mapahinto ang mapaminsalang operasyon ng malalaking kumpanya.

“We continuously express our desire to stop their operation and pray that the DENR office will be pro-environment, pro-ecology, and pro-Filipino,” saad ng Obispo.

Magugunitang Hunyo 2021 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Financial and Technical Assistance Agreement No. 1 (FTTA #1) na nagpapanibago sa kontrata ng OceanaGold upang muling ipagpatuloy ang operasyon ng Didipio Gold-Copper Mining project.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 188,230 total reads

 188,230 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 258,835 total reads

 258,835 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 292,284 total reads

 292,284 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 327,584 total reads

 327,584 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 546,526 total reads

 546,526 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,175 total reads

 161,175 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top