Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong Vicar General ng Archdiocese of Manila, itinalaga ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 2,054 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula si Fr. Reginald Malicdem bilang Vicar General at Vice Moderator Curiae ng arkidiyosesis.

Magiging katuwang ni Cardinal Advincula si Fr. Malicdem sa pangangasiwa sa arkidiyosesis gayundin sa pamumuno ng ilang administrative affairs.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Malicdem ang Mary Mother of Hope Mission Station sa Landmark at SM Makati makalipas ang pitong taong paninilbihang rector ng Manila Cathedral.

Samantala magpapatuloy pa rin si Msgr. Jose Clemente Ignacio sa paglilingkod bilang Vicar General at Moderator Curiae ng RCAM.

Matatandaang makalipas ang isang taong paninilbihan ni Cardinal Advincula sa arkidiyosesis ay nagpatupad ito ng reshuffling sa mga pari gayundin ang pagpapatupad ng Team Ministry sa mga parokya.

Kamakailan ay nagtalaga ang arsobispo ng Episcopal Vicars sa limang lunsod na sakop ng RCAM at Vicar Forane sa mga bikaryato.

Hiling ni Cardinal Advincula sa tatlong milyong nasasakupang mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa mga pastol ng simbahang magampanan ang kanilang tungkuling kalingain ang kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 7,596 total views

 7,596 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 27,520 total views

 27,520 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 33,565 total views

 33,565 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 42,094 total views

 42,094 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 49,970 total views

 49,970 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 7,410 total views

 7,410 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top