Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagyong Paeng, nag-iwan ng tatlong patay, landslide at malawakang pagbaha sa Antique

SHARE THE TRUTH

 11,280 total views

Nag-iwan ng tatlong kataong patay ang bagyong Paeng sa lalawigan ng Antique.

Sa panayam ng DYKA Radyo Totoo Antique kay Louie Palmes ng Patnongon MDRRMO, natagpuan ang dalawang patay sa Barangay Poblacion at isa naman sa Brgy.Samalague ng nasabing bayan.

Nasawi sa Patnongon

courtesy: Mark Andio Dela Gracia

Dahil sa walang tigil na ulan, maraming bayan sa lalawigan ng Antique ang lumubog sa tubig baha at nagdulot ng mga landslide.

Sa litratong kuha ni John Michael Obiano, makikita ang naputol na Paliwan bridge na nag-uugnay sa Brgy.Cubay North bayan ng Bugasong at Brgy.Lugta sa bayan ng Laua-an.

Paliwan bridge boundary of Bugasong and Lau-an

kuha ni :John Michael Obiana

Nalubog din sa tubig baha ang transmitter ng DYKA Radyo Totoo Antique dahilan upang mag-off air ang himpilan habang naitala ang matinding pinsala ng bagyo sa bayan ng Hamtik, San Jose de Buenavista, Sibalom, Bugasong at Patnongon.

DYKA transmitter

DYKA Radyo Totoo Antique FB

Naitala din ang landslide sa national highway na bahagi ng Sitio CI-O sa Brgy.Bagtason na naging passable lamang sa mga sasakyan ngayong ika-29 ng Oktubre, 2022.

National road GISO connecting Brgy.Bagtason to Valderma town

Sa ipinadalang ulat ni Fr.Edione Pebrero, Social Action Director ng Diocese of Antique at station manager ng DYKA Radyo Totoo at Spirit FM Antique, 4,500 na individual o 1,800 families na apektado ng bagyong Paeng ang nasa iba’t-ibang evacuation centers sa lalawigan.

Sinabi ni Fr.Pebrero na nagpapatuloy sa kasalukuyan ang relief operations ng S-A-C at iba’t-ibang grupo sa mga naapektuhan ng hagupit ng bagyo sa lalawigan ng Antique.

“4,500 nasa evacuation centers o 1800 families. Lubog yong mga bahay kagabi dahil sa matinding ulan. Isang bridge that connects Southern part to northern part ang naputol. Bridge that connects to Iloilo, hindi puwede madaanan ng vehicles. Ongoing ang relief operations ng different groups after ng rescue operations’.mensahe ni Fr.Pebrero sa Radio Veritas

evacuation center

Exif_JPEG_420

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 29,121 total views

 29,121 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 43,181 total views

 43,181 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,752 total views

 61,752 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,395 total views

 86,395 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 12,787 total views

 12,787 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 90,862 total views

 90,862 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
1234567