Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bayang walang pinagkatandaan?

SHARE THE TRUTH

 642 total views

Mga Kapanalig, ayon sa Spanish-American philosopher na si George Santayana, “Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.” Madali lang maunawaan ang mensahe ng pangungusap na ito: ang mga hindi natututo sa nakaraan ay uulitin ang mga kamalian nito. 

Kasama ito sa mga ikinababahala ni Ginoong Antonio Calipjo Go sa inilabas niyang position paper matapos niyang i-review ang Draft Shaping Papers of the Revised Curriculum Guides for Kindergarten to Grade 10 ng Department of Education (o DepEd). Si Ginoong Go ay kilala sa kanyang krusada upang itama ang mga mali sa mga textbooks na ginagamit ng ating mga mag-aaral.  

Sa pagre-review niya ng planong pagbabago sa curriculum ng DepEd, nagtuklasan niyang ang history o kasaysayan ay ipapaloob sa subject na tatawaging SIKAP o Sibika, Sining, Kultura, Kasaysayan, and Kagalingang Pangkatawan. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay ituturo kasabay ng mga minor subjects sa Grade 5 at 6. Ang mga paksa naman tungkol sa Martial Law sa ilalim ng diktaduryang Marcos ay ituturo sa mga nasa Grade 6, at hindi na ito mauulit o mapapalalim pa pagtungtong nila ng high school. Delikado ito ayon kay Ginoong Go dahil palalabnawin nito ang kahalagahan ng kasaysayan.

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nakatutulong sa ating maunawaan at harapin ang mga masalimuot na tanong bilang isang bayan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano hinubog (at patuloy na hinuhubog) ng nakaraan ang ating kasalukuyan at ang ating hinaharap. Tinuturuan tayo ng ating nakaraan tungkol sa ating kasalukuyan. Binibigyan tayo ng kasaysayan ng mga aral upang masuri at maipaliwanag ang mga naging problema noon, at sa tulong ng mga ito, mas magagawa nating unawain at lutasin ang mga problema natin sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sabi nga ni Pope Francis, ang kasaysayan, kung marubdob nating pag-aaralan, ay maraming ibibigay na aral sa kasalukuyan nating lipunang uhaw sa katotohanan, kapayapaan, at katarungan. 

Ang pagpapahalaga sa kasaysayan ay dapat na nagsisimula sa maagang edad at dapat na nagpapatuloy. Dito nagiging malaki ang papel ng ating mga guro at ang curriculum na gagabay sa kanila upang hubugin ang isipan ng ating kabataan. Ngunit kung ang kasaysayan ay hindi pinahahalagahan sa ating mga silid-aralan, paano pa matututo mula sa mga aral ng nakaraan ang kabataang kinabukasan ng ating bayan? 

Marami nang pahiwatig na bigo tayong matuto sa ating kasaysayan. Ibinoboto pa rin natin ang mga pulitkong pansariling interes lamang ang inuuna, kahit na pinatalsik natin ang ilan sa kanila dahil sa lantarang kasakiman at pang-aabuso sa kapangyarihan. Pinapalakpakan pa rin ng marami sa atin ang mga paglabag ng ating awtoridad sa mga karapatang pantao, kahit pa naghahanap pa rin ng katarungan ang mga naulila ng mga pinapatay noong panahon ng diktadurya. Hindi tayo umaalma sa panghihimasok ng mga dayuhang interes sa ating bansa, kahit pa ilang beses nating sinubukang kumawala sa tanikala ng kanilang kontrol at impluwensya. 

Nakalulungkot na mistula tayong isang bayang walang pinagkatandaan, isang bayang hindi natututo sa mga aral ng nakaraan. At nakatatakot na baka maging bayan din tayong walang mararating. Maaaring maiwasan natin ito kung bibigyang-halaga sa curriculum ng ating mga pampublikong paaralan ang kasaysayan. Mungkahi nga ni Ginoong Go, ang kasaysayan ay dapat na ituro at pinalalalim sa high school kung saan inaasahang magiging mas kritikal, mas mapanuri, at mas matalino ang mga estudyante sa mga natatanggap nilang kaalaman. 

Mga Kapanalig, maging ang Banal na Aklat ay may paalala tungkol sa kasaysayan. “Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari,” saad ng sa Isaias 46:9. Ngunit maliban sa pag-alala sa ating kasaysayan, kailangan din nating matuto nang hindi na natin maulit ang mga mali ng mga nauna sa atin.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,027 total views

 27,027 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,127 total views

 35,127 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,094 total views

 53,094 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,147 total views

 82,147 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,724 total views

 102,724 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,028 total views

 27,028 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 35,128 total views

 35,128 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,095 total views

 53,095 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,148 total views

 82,148 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 102,725 total views

 102,725 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,670 total views

 86,670 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,451 total views

 97,451 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,507 total views

 108,507 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,369 total views

 72,369 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,798 total views

 60,798 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,020 total views

 61,020 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,722 total views

 53,722 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,267 total views

 89,267 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,143 total views

 98,143 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,221 total views

 109,221 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top