Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 340 total views

Kapanalig, napakahalaga ng bigas sa ating bayan. Hindi lamang ito food staple ng Pilipinas. Ito rin ay nagbibigay trabaho sa maraming mga magsasaka sa ating bayan. Ito rin ay negosyo o kabuhayan ng marami nating mga kababayan.

Ang FAO ay nagsasabi na kailangan natin mas ma-a-appreciate ang rice industry. Isa itong sangkap ng food security. Ayon sa isang pag-aaral nito,  malaki ang epekto ng polisiya sa kaunlaran ng industriya ng bigas. Halimbawa, kung mas nais ng isang pamahalaan na mag-import na lamang ng mas murang bigas sa ibang bansa, maaring mapabayaan ang local rice industry. Kapanalig, dito nga sa atin, kapag farmer o magsasaka, kaagad,  naiisip natin na maralita na. Mas lumiliit na kasi ang kita nila dahil sa maraming mga salik o factors, gaya ng climate change, lupa, kawalan ng gamit at teknolohiya, kasama na rin ang heavy importation ng bigas.

Hindi kailangan maging mahirap lagi ang magsasaka, kapanalig. Ang PhilRice Institute ay may proyekto na naglalayon na magkaroon ng rural transformation. Ito ay ang “Gusto Namin Milyonaryo Kayo.”  Ayon nga sa PhilRice, base sa ating poverty incidence, 3 sa 4 na maralitang Filipino ay nakatira sa mga rural, farming areas. Ang karaniwang sakahan ay kumikita ng PhP50,000 kada taon mula sa bigas, at ito ay malayo sa ating poverty threshold. Sa pamamagitan ng “Gusto Namin Milyonaryo Kayo,”  na may community-based agribusiness approach, nais ng PhilRice na tulungan ang mga magsasaka na mabago ang kanilang buhay. Pag nagawa nila ito, maaring kumita ng isang milyong piso ang kada hektarya ng lupa, kada taon.

Kaya lamang, kapanalig, ang mga proyektong gaya nito ay kulang sa suporta. Sana dito ibuhos ng ating pamahalaan ang malaking bulko ng ating mga resources, hindi sa mga kampanya na naglunlunsad ng kamatayan o alitan. Kung matutulungan natin maka-ahon ang ating rural poor, unti unti ring lalaganap ang kapayapaan. Kahirapan, kapanalig, ang ating pangunahing problema.

Ang Rural Transformation Movement (RTM) na ito ay may pruweba na ng tagumpay. Noong 2014, aktibo ang proyektong ito. May mga kababayan na na tayo nakapag-diversify na ng mga pananim at kumita na. Sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental, ang mga magsasaka ay nakabili ng tricycle, rotavator, motorsiklo at nakapagbayad na ng mga utang. Ang kanilang pananim ay hindi lamang naging pang-kain, kapanalig. Ginawa na rin nila ito na herbal tea at sabon.

Kailangan nating suportahan ang ganitong mga proyekto kapanalig. Isipin niyo na lang, kung kasing laki ng kampanya laban sa droga ang kampanya para sa rural transformation, mas maraming mga Pilipino ang masaya, buhay at malusog. Kailangan din kapanalig, pinipili natin ang ating mga prayoridad. Hindi lahat ng popular o sikat na opinion o gawain ay tama. Ang gawain ng rural transformation kapanalig, hindi sikat o “in.” Pero ito ay tama, dahil ito ay pagmamahal hindi lamang sa maralita, kundi sa ating bansa. Kapanalig, ito naman ang pasikatin natin o gawing viral. Gawin nating inspirasyon ang mga kataga mula sa Centesimus Annus: Love for others, and especially for the poor, is made concrete by promoting justice.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,194 total views

 10,194 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,294 total views

 18,294 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,261 total views

 36,261 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,580 total views

 65,580 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,157 total views

 86,157 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,195 total views

 10,195 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 18,295 total views

 18,295 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,262 total views

 36,262 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,581 total views

 65,581 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 86,158 total views

 86,158 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,360 total views

 85,360 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,141 total views

 96,141 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,197 total views

 107,197 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,059 total views

 71,059 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,488 total views

 59,488 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,710 total views

 59,710 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,412 total views

 52,412 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,957 total views

 87,957 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,833 total views

 96,833 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,911 total views

 107,911 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top