Bigyang-pansin ang mga katutubo sa Sierra Madre, panawagan ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 934 total reads

Nananawagan si Prelature of Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na bigyang-pansin ang kalagayan ng mga katutubong naninirahan sa Sierra Madre.

Ito ang pahayag ni Bishop Dimoc, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples kasabay ng pagsusulong sa petisyong pangalagaan ang Sierra Madre laban sa mga mapaminsalang proyekto tulad ng Kaliwa Dam.

Ayon sa Obispo, hindi sapat ang petisyon lamang para sa pangangalaga sa bulubundukin at mga apektadong katutubo para tutulan at tuluyang mapigilan ang pagpinsala sa kalikasan.

Paliwanag ni Bishop Dimoc, kailangan ding magkaroon ng pisikal na gawain na mapagtutuunan ng pamahalaan partikular na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Commission for Indigenous Peoples (NCIP) ang karapatan ng mga katutubong naninirahan at nangangalaga sa Sierra Madre.

“They need warm bodies to march to DENR and to NCIP and demand for effective ways to protect rights of Dumagats-Remontados. Matagal na silang na-invade ng gobyerno (legal logging in 1970’s, and now, huge Kaliwa Dam) at outsiders (coconut, mango and cacao plantations). Protests in front of DENR and NCIP are needed,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Katulad ng pang-aabusong nararanasan ng Sierra Madre sa mga malalaking kumpanya, nararanasan din ng mga katutubo ang pang-uusig at pagbabanta upang maisakatuparan ang mga mapaminsalang proyekto.

Tinatayang aabot sa higit 11,000 katutubo ang lubhang maaapektuhan at mawawalan ng tahanan kapag hindi tuluyang napigilan ang Kaliwa Dam Project at iba pang proyektong pumipinsala sa Sierra Madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,733 total reads

 52,733 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,254 total reads

 132,254 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,701 total reads

 165,701 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,999 total reads

 200,999 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,422 total reads

 425,422 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,047 total reads

 157,047 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top