Bishop Bacani, nagpaabot ng panalangin at pakikiramay sa pamilya ni CHR Chairperson Gascon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Nagpaabot na panalangin at pakikiramay si 1987 Constitutional Framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa pagpanaw ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon.

Ayon sa Obispo, sadyang kahanga-hanga ang dedikasyon ni Gascon sa pagsusulong ng karapatang pantao at katarungang panlipunan sa bansa na nagsilbing pinakabatang miyembro ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng 1987 Constitution ng Pilipinas.

Pagbabahagi ni Bishop Bacani, bukod sa Panginoon ay tiyak rin na hindi malilimutan ng mamamayang Pilipino ang malaking ambag ni Gascon upang isulong ang higit na pagbibigay halaga sa dignidad at karapatan pantao ng bawat indibidwal.

“I am deeply saddened by the loss of [CHR Chairperson] Commissioner Chito Gascon. He was a real champion for human rights and the Lord will certainly remember that, as well as the Filipino people,” ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa Radio Veritas.

Partikular ding kinilala ni Bishop Bacani ang paninindigan ng Commission on Human Rights sa ilalim ng pamumuno ni Gascon laban sa mga serye ng pang-aabuso sa karapatang pantao ng administrasyong Duterte na nagpatupad ng War on Drugs na tinaguriang Oplan Tokhang.

Ayon kay Bacani, ang pinaka-naaangkop na paraan ng pagkilala at pag-alala sa naging makabuluhang buhay ni Gascon ay ang pagpapatuloy sa kanyang mga adbokasiya at misyon sa pagsusulong ng karapatang pantao at katarungang panlipunan.

“Thanks to him the abuses of the Duterte administration have been lessened. The best way to remember him is to continue his fight for human rights. Let us pray for him,” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Batay sa tala ng CHR, umaabot na sa 3,423 na mga drug-related extrajudicial killings ang naidokumento at iniimbestigahan ng kumisyon mula ng magsimula ang War on Drug ng administrasyong Duterte.

Nakilala si Gascon bilang isang human rights lawyer at political activist na siya ring pinakabatang miyembro ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng 1987 Constitution at ng 8th Philippine Congress.

Taong 2015 ng itinalaga si Gascon bilang chairperson ng Commission on Human Rights at nagsilbi sa kumisyon ng anim na taon, bago pumanaw sa edad na 57-taong gulang dahil sa kumplikasyon na dulot ng Coronavirus Disease 2019, umaga ng Sabado, ika-9 ng Oktubre, 2021.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 4,846 total reads

 4,846 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 6,601 total reads

 6,601 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 15,987 total reads

 15,987 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 53,365 total reads

 53,365 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 84,635 total reads

 84,635 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 161,155 total reads

 161,155 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 254,607 total reads

 254,607 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,399 total reads

 24,399 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top