Bishop David, nanawagan sa mamamayan na makiisa sa vaccination program ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Muling nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa publiko na makipagtulungan sa bakuna program ng pamahalaan laban sa novel coronavirus upang maisakatuparan ang herd immunity hanggang sa Disyembre.

Ayon kay Bishop David sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas, nagkaroon na ng ugnayan sa pagitan ng diyosesis at mga lokal na pamahalaan ng Caloocan, Malabon at Navotas upang magkatuwang na ipatupad ang pagbabakuna.

“Kaya ang panawagan nila ay makapag-mobilize ang simbahan ng mga doktor, mga nurse and other volunteer para mas mabilis na magawa ang vaccination program. Sa Caloocan City ang target nila ay ay sana bago dumating ang buwan ng Disyembre ay mabakunahan na mga atleast 70 percent (populasyon).

Para magkaroon ng herd immunity bago man lang mag-Pasko and we will be able to celebrate Christmas more meaningfully,” ayon kay Bishop David.

Una na ring itinatag ng diyosesis ang Kalookan ang Diocesan Health Care Ministry na pinangangasiwaan ni Fr. Rene Richard Bernardo na makikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at punan ang kinakailangang resources at vaccination sites.

Una na ring ipinag-utos ni Bishop David ang pagbubukas ng mga parokya ng diyosesis upang magsilbing vaccination sites para sa programa ng pamahalaan.

Simula noong nakalipas na taon nagsilbi na rin ang mga parokya sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang mga quarantine facility at pansamantalang tahanan ng mga medical at security frontliners bukod pa sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng community quarantines.

Kabilang sa mga parokya ng Kalookan na nagsisilbing vaccination sites ay ang St. Gabriel the Archangel Parish, Our Lady of Parish at Christ the King.

Bukod sa Diocese ng Kalookan, nagbukas din ang mga parokya ng Diocese ng Novaliches bilang mga vaccination areas katuwang ang lokal na pamahalaan ng Quezon City. Sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, may 10 milyong Filipino na ang nakatanggap ng dalawang dosage ng bakuna laban sa Covid-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,387 total reads

 77,387 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,615 total reads

 155,615 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,062 total reads

 189,062 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,359 total reads

 224,359 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,793 total reads

 447,793 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top