Bishop Mesiona, tiwalang masasalba sa polusyon ang tatlong look sa Puerto Princesa city

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,804 total reads

Umaasa si Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona na lalung mapangalagaan ng inisyatibo ng Puerto Princesa city government ang tatlong anyong tubig sa lungsod.

Ito’y ang Save Our Bays project na layong pangalagaan ang Ulugan Bay, Honda Bay, at ang Puerto Princesa Bay mula sa lumalalang epekto ng polusyon.

Ayon kay Bishop Mesiona, nawa’y sa pamamagitan ng proyekto ay maging kasangkapan ang lahat upang maisakatuparan ang layuning pangalagaan ang kalikasan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

“Pangalagaan natin ang likas na yaman dahil biyaya ito ng Diyos hindi lamang para sa atin, sa kasalukuyan, kung hindi para din sa susunod pang mga henerasyon,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Saklaw ng tatlong malalaking bay ng Puerto Princesa City ang apat na coastal barangay na mayroong mataas na bilang ng populasyon.

Nakikita namang solusyon ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang paglilipat ng lugar o relokasyon ng mga naninirahan sa baybayin para na rin maiwasan ang panganib tuwing may kalamidad.

Balak ng pamahalaang lungsod na gamitin ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing o 4PH program ng Administrasyong Marcos upang makakuha ng 21 ektaryang lupa na pagtatayuan ng mga bahay para sa relokasyon.

Nakasaad sa Laudato Si’ na hinihikayat ng Santo Papa Francisco ang lahat na simulan sa pagbabago ng pamumuhay ang ecological conversion na makakatulong naman sa pagbabago ng pamayanan tungo sa adhikaing pangalagaan ang sangnilikha.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 45,152 total reads

 45,152 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 158,118 total reads

 158,118 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 243,488 total reads

 243,488 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 290,226 total reads

 290,226 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 338,094 total reads

 338,094 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 434,125 total reads

 434,125 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,815 total reads

 173,815 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top