Bishop Santos, nanawagan ng pagkakaisa, kabanalan at kabutihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,877 total views

Nanawagan ng pagkakaisa, kabanalan, at kabutihan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa paggunita ng diyosesis sa ika 400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, o Mahal na Birhen ng Antipolo, nitong June 18.

Sa panayam sa Radio Veritas, sinabi ng obispo na nananatiling mahalagang huwaran ang Mahal na Birhen para sa mga Pilipino, lalo na sa gitna ng mga suliraning kinakaharap ng bansa.

“Nakikita natin ngayon ang kawalan ng pagkakaisa. At ang taong nagdudulot sa atin ng pagkakaisa ay ang isang ina. Kaya dapat tayong tumawag, lumapit, at magtiwala sa ating Mahal na Ina upang tayong mga Pilipino ay muling magkaisa,” ayon kay Bishop Santos.

Bahagi ng makasaysayang pagdiriwang ang fluvial procession sa Laguna de Bay na nagsariwa sa paglalayag ng imahe ng Mahal na Birhen mula sa Mexico at dumating sa Pilipinas noong June 18, 1626.

Mula sa Calamba City, Laguna, ay tinahak ng pilgrim image ang lawa patungong Talim Island, Binangonan, Cardona at Pasig bago dinala sa pamamagitan ng prusisyon patungong Taytay at sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City.

Ayon sa obispo, layunin ng pagdiriwang na higit pang maipakilala sa mga mananampalataya ang malalim na debosyon sa Birhen ng Antipolo, na kinikilala bilang Ina ng mga Pilipino.

“Ginagawa natin ito upang ipakita kung sino ang ating ina. Ipinakikilala natin siya, ipinagmamalaki natin siya. Ito ang Mahal na Birhen ng Antipolo, ang Ina ng mga Pilipino,” ani Bishop Santos.

Kasabay ng paggunita ang pagbabalik-tanaw sa natatanging ugnayan ng pambansang bayaning si Gat Jose Rizal sa Birhen ng Antipolo.

Ayon sa kasaysayan, namata ang kanyang inang si Doña Teodora Alonso na dadalhin sa Antipolo ang batang Rizal bilang pasasalamat matapos ang ligtas na panganganak.

Nagtungo si Rizal, kasama ang kanyang ama na si Francisco, sa dambana ng Birhen ng Antipolo noong June 6, 1868 upang tuparin ang panata ng kanyang ina sa Mahal na Birhen.

Bilang paggunita, nagtungo ang pilgrim image sa Calamba City, Laguna, partikular sa Saint John the Baptist Parish, ang simbahan kung saan bininyagan ang pambansang bayani.

Binisita rin ng imahe ang tahanan ng pamilya Rizal bago isinagawa ang fluvial procession pabalik sa dambana ng Mahal na Birhen.

“Napakaganda ng ginawa ng ating pambansang bayani. Pumunta siya sa Antipolo. Nagpasalamat siya. Kinilala niya ang kabutihan ng Diyos. At ipinakita niya na may kabutihan sa tao,” dagdag ng obispo.
Binigyang-diin din ni Santos na ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan ay nangangailangan ng pagbabalik sa mga pagpapahalagang ipinakita nina Rizal at ng Mahal na Birheng Maria.

“Hindi lamang kawalan ng pagkakaisa ang nakikita natin ngayon. Nakikita rin natin ang pagiging makasarili. Ang iniisip ng marami ay ang kanilang sariling kapakanan,” ani Bishop Santos.

Dahil dito, hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na unahin ang Diyos at isabuhay ang kabutihan.
“Kailangan natin ngayon ng kabanalan. Ang kabanalan ay ang pag-una sa Diyos, hindi sa sariling kapakanan, kaginhawahan, kalusugan, o kaligtasang pansarili lamang,” paliwanag ng pastol.

Iginiit ni Bishop Santos na ang kabutihan at pananampalataya ang mahalagang sandigan upang maibalik ang pagkakaisa ng bansa.

Hamon ni Bishop Santos sa bawat isa na isabuhay ang mga gawi ng Mahal na Birhen na buong pusong sumunod sa kalooban ng Diyos, at ang mga halimbawa ni Rizal na inuuna ang kapakanan ng bayan kahit kapalit ang paghihirap at kamatayan.

Kasabay ng pagdiriwang ay inilunsad din ng international shrine ang mga commemorative stamps bilang paggunita sa apat na siglong paglalakbay ng Mahal na Birhen mula Mexico patungong Pilipinas sakay ng galyon.

Sinabi ng obispo na ang bagong serye ng mga selyo ay magsisilbing paalala, lalo na sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, na may isang Ina na kanilang malalapitan at mapagkakatiwalaan.

Paanyaya ni Bishop Santos sa mga mananampalataya na patuloy na makiisa sa buong taong pagdiriwang ng hubileyo para sa ika-400 taon ng pagdating ng imahe at ika-100 anibersaryo ng kanyang canonical coronation na magtatapos sa November 28, 2026

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,713 total views

 9,713 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,442 total views

 77,442 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,594 total views

 100,594 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,709 total views

 170,709 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,737 total views

 244,737 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top