Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buhay partlylist, nanawagan ng people power laban sa death penalty.

SHARE THE TRUTH

 241 total views

Manila, Philippines– Hinimok ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza ang mamamayan na pairalin ang kanilang prinsipyo at labanan ang imoralidad na namamayani sa lipunan.

Binigyan diin ng Kongresista ang “the power rest under [the] people” na tunay na kahulugan ng prinsipyo sa demokrasya.

Hinamon ni Atienza ang mamamayan na gumising at lumabas para tutulan ang parusang kamatayan na naipasa sa 2nd reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa pamba-braso ng House Speaker.

“Kung ako ang tatanungin nyo kung ano nga ba ang magagawa natin, kailangan po ang mamamayan ay gising at handang umaksyon kung anuman po ang kailangang gawin, dahil kung hindi, talagang magiging sunud-sunuran tayo maski mali na po yung pinasusunod, lululunin po natin katulad nitong death penalty.”pahayag ni Atienza sa Radyo Veritas.

Nanindigan rin si Atienza na hindi magiging solusyon ang Death Penalty para masawata ang paglaganap ng kriminalidad sa lipunan.

Aniya, ang karahasan ay hindi masusupil ng isa pang uri ng karahasan, bagkus ay lalo lamang nitong mapalalala ang kaguluhan sa bansa.

“You will only aggravate. Lalong lalala ang culture of violence. Hindi po mabuti ang maidudulot niyan. We have to keep on fighting for our principle. Tapos tatanungin nyo kung ano ang magagawa natin, aba, lumaban tayo para sa ating prinsipyo, whether you are a congressman or a media woman, ipaglaban natin kung ano yung tama. Ipangaral natin kung yung ang tama. Dahil yan po ang paraan para sa isang demokrasya.” Dagdag pa ni Atienza.

Itinakda ang third reading sa naturang panukala batas sa March 8, araw ng Miyerkules.

Patuloy ding naninindigan ang mga lider ng Simbahang Katolika laban sa death penalty.(Newsteam/Yana Villajos)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 17,628 total views

 17,628 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 47,709 total views

 47,709 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 61,769 total views

 61,769 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 80,212 total views

 80,212 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 170,036 total views

 170,036 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 113,882 total views

 113,882 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567