273 total views
Manila,Philippines– Dismayado ang Commission on Human Rights sa paglusot ng panukalang death penalty sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Bagamat dismayado, tiniyak ni Atty. Jacqueline Ann de Guia- tagapagsalita ng kumisyon na hindi magiging madali ang pagpasa ng panukalang batas sa Senado.
Binigyan-diin ni De Guia na matibay ang paninindigan ng C-H-R sa pagsusulong ng karapatang pantao partikular na ang karapatang mabuhay ng bawat indibidwal maging ng mga kriminal.
Ayon sa tagapagpasalita ng C-H-R, ang karapatang ito ang pinakamataas at mahalagang karapatan na ipinagkaloob sa isang nilalang.
“The Commission on Human Rights was disappointed yesterday when the Congress passed on its 2nd reading the proposed Death Penalty Bill. But it remains optimistic and hopeful that eventually it will meet some opposition towards the later part of the proceeding and that the Senate will eventually opposed the said proposed bill. Of course the primary consideration of the Commission is its high regard for the right to life being the most fundamental and supreme right and the fact that no other right will be meaningful with the right to life…”paglilinaw ni de Guia sa Radio Veritas
Kaugnay nito, nanawagan si Buhay partylist representative Lito Atienza sa taumbayan na lumabas at manindigan laban sa pagsasabatas ng death penalty.
Read: http://www.veritas846.ph/buhay-partlylist-nanawagan-ng-people-power-laban-sa-death-penalty/
Kaugnay nito, patuloy ang paninindigan ng Simbahang Katolika sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay sa gitna ng maituturing aniyang paglaganap ng kultura ng kamatayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Batay sa datos ng Amnesty International noong 2015, tumaas ng 54 na porsyentong ang bilang ng mga naparusahan ng kamatayan kung saan umaabot na sa 20,292 katao ang nahatulan ng bitay.(Reyn Letran)