Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buwagin ang rice cartel, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 1,475 total views

Tugunan ang suliranin ng ‘rice cartel’ na pinapataas ang presyo ng bigas at pinahihirapan ang parehong mga consumer at suppliers.

Ito ang hamon ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa implementasyon ng Executive Order No.39 o (EO 39) na itinatakda sa 41-pesos ang presyo ng regular milled rice at 45-pesos naman ang presyo kada kilo ng regular milled rice.

Ayon sa Obispo, bagamat makakatulong sa mga consumer ang pagtatakda ng polisiya na abot kaya ng mga mahihirap ang presyo ng bigas ay nanatili pa ring problema ang rice cartel na kumu-kontrol sa halaga ng bigas.

Binigyan diin ng Obispo na matagal ng problema sa bansa ang rice cartel ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring napaparusahan sa kabila ng maraming imbestigasyon na isinagawa ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Matagal ng alam at pinag-uusapan ang rice cartel, ngunit mayroon na bang naparusahan o nakulong dahil dito? Sa EO, sino na naman ang magiging most vulnerable sa hulihan at parusahan, yun bang malalaking cartel o ang mga pipitsuging rice retailers sa mga palengke, na kumikita lamang depende sa volume ng kanilang benta kada araw.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Mallari na nararapat mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng rice cartel na nagmamanipula sa presyo ng bigas sa bansa.
Ikinalulungkot din ng Obispo ang kawalan ng kapangyarihan ng gobyerno na itakda sa abot kayang presyo ng bigas dahil sa Rice Tarification Law kung saan ang malalaking rice suppliers, traders at millers ang nakikinabang sa kakapusan ng supply nito sa merkado

“Ang RTL ay sinasabing mabuti sa mga magsasaka dahil sa dulot na modernization na mag-aangat ng produksyon, at mainam din sa mga consumers dahil sa mas murang bigas mula sa importasyon. Kung susuriin, kapag mataas ang ani, bumababa naman ang presyo ng palay, dahil ito ay idinidikta ng mga palay buyers at traders, Pagkatapos, ang bigas naman ay hindi maibebenta sa mababang presyo ng mga rice retailers, dahil mataas ang presyo ng pagka-angkat nito mula sa mga rice suppliers/traders o millers na siya ring nagse-set ng presyo. Sa dulo, tunay na nasa kamay ng mga dambuhalang traders ang kapangyarihan sa presyo ng palay at bigas at wala sa gobyerno, nang dahil sa RTL.” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Katulad ng mga grupong Federation of Free Farmers at Kilusang magbubukid ng Pilipinas ay patuloy din ang pagtutol ng Bantay Bigas sa pagpapairal ng Rice Tarrification Law.
Sa kabila ng pangakong tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng malilikom na buwis ng batas, ay umabot sa 19-bilyong piso ang ikinalugi ng mga lokal na magsasaka ng palay ng dahil sa pag-iral ng batas noong 2019.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 59,724 total views

 59,724 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 79,409 total views

 79,409 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 117,352 total views

 117,352 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 135,226 total views

 135,226 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PAHRA, ipaglalaban ang justice free for all

 9,697 total views

 9,697 total views Kinundina ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mamamayan, binigo ng Senado

 11,031 total views

 11,031 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Senado, kinundena ng BIEN

 10,091 total views

 10,091 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »

DA,kinilala ng FFF

 10,702 total views

 10,702 total views Kinilala ng Federation of Free Farmers ang pagbibigay ng prayoridad ng Department of Agriculture sa sektor ng mga Pilipinong magsasaka ng palay. Ayon

Read More »
1234567